Santos sagasa sa ‘endo’

Sa August adedesisyunan ng PBA Board kung kaya pang ituloy ang 2020 season, kahit isang conference na lang.

Depende sa sitwasyon kung humupa na ang banta ng coronavirus pandemic at kung papayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, unti-unting makakabalik sa court ang players sa pamamagitan ng ‘by batch’ na workout.

Pagdating ng Aug. 31, mag-e-expire ang kontrata ng ilang players.

Habang kanselado pa ang PBA dahil sa COVID-19, may opsiyon ang teams na huwag munang bigyan ng panibagong contract ang players na may expiring deals.

March 11 tinigil ang Philippine Cup.

Pero sa loob ng limang araw matapos magsimula ang ensayo, kailangan nang papirmahin ng kontrata ang players.

Kung hindi, magiging unrestricted free agents sila – puwede nang mag-entertain ng offers mula sa ibang teams.

Sa ulat ng PBA website, ilan sa mga mag-e-expire ang kontrata sa Aug. 31 sina Arwind Santos at Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen, at ang bagong mukha ng Alaska na si Jeron Teng.

Mapapaso na rin ang contracts nina Carl Bryan Cruz (Blackwater), Paolo Taha (NorthPort), Rome dela Rosa (Magnolia), John Pinto (Meralco), Nico Salva (Meralco), Dave Marcelo (Phoenix) at Jake Pascual (Pascual). (Vladi Eduarte)