Sanya at Andrea, magpapainit sa NEW YEAR Countdown

Andrea Torres

PASABOG ang New Year Countdown ng GMA Network sa Sabado (Disyembre 31) nang 10:00 PM-12:30 AM sa SM Mall of Asia (MOA) Seaside Boulevard.

Pinamagatang Lipad sa Bagong Taon, iho-host ito nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Andrea Torres & Betong Sumaya.

Sisimulan ni Asia’s Pop Sweetheart kasama ang Kapuso boyband One Up ang programa sa isang exciting song & dance number.

Masayang musical entertainment ang hatid ni Pambansang Bae kasama ang Kapuso singers na sina Aicelle Santos, Rita Da­niela, Derrick Monasterio, Hannah Precillas, Jeric Gonzales & James Wright.

Sizzling dance number ang handog nina Rocco Nacino, Jak Roberto, Jay Arcilla, Arra San Agustin, Andrea Torres at Sanya Lopez.

Magpapakilig sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, Ivan Dorschner at ang T.O.P., ganu’n din sina Bianca Umali, Joyce Ching, Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Alden Richards
Alden Richards

Eeksena rin ang Superstar Duets grand winner na si Nar Cabico kasama sina Jerald Napoles, Nicki Balaj, Adele-lantada at Ariana Venti.

Si Dingdong Dantes ang mangunguna sa top of the hour portion. Abangan ang engrandeng fireworks display kasabay ang pagdiriwang sa Cebu.

Makisaya kasama ang inyong paboritong Kapuso stars sa pamamagitan ng pagpo-post ng greetings at selfies gamit ang hashtag na #Kapuso2017.