Sanya bagong bebot ni Dennis

tonite-pak-allan-dionesTama ang source namin na si Sanya Lopez ang napipisil na maging female lead sa Kapuso drama na ‘Cain at Abel’ nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Nag-storycon na ang show at bongga si Sanya dahil pasok nga siya sa cast. Ang isa pang babae ay si Solenn Heussaff.

Ang sabi sa amin ay si Dennis ang makakapareha ni Sanya, so si Solenn ang kay Dingdong. Nagtambal na ang DongSos sa season 2 ng action seryeng ‘Alyas Robin Hood’.

Level up na si Sanya, na from Rocco Nacino ay Dennis Trillo na ang leading man. Tarayy!

Bonggang birthday gift ito kay Sanya, na nag-22 years old nu’ng August 9. May pa-birthday cake sa kanilang dalawa ni Dong, na nag-38 naman nu’ng August 2.

Kasama rin sa cast ng ‘Cain at Abel’ sina Chanda Romero, Boy 2 Quizon, Ronnie Henares at Carlo Gonzales. Sina Mark Reyes at Don Michael Perez ang direktor.

Nathalie nategi sa serye

Proud na pinost ni Nathalie Hart ang picture nila ng fiance niyang si Mayank Sharma sa Instagram.

“Missing my partner in life and enemy,” ang caption ng more than 4 months pregnant na si Nathalie sa pic nila ng kanyang Indian husband-to-be.

Karamihan ng mga nag-comment, ang sabi ay bagay sila ng kanyang finance at magkamukha sila nito.

Halos lahat ay kino-congratulate si Nathalie at pinupuri ang pagpapakatotoo niya tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“Congats, Ms. Nathalie! I admire your courage to tell everyone that you’re an expecting­ mom now. I guess there’s still good people like you in the industry you’re in. God bless,” sabi ng isang nag-comment.

Ang positive lang na the netizens are happy for her at sana raw ay mahalin si Nat ni Mayank nang walang hanggan.

Nategi na ang karakter ni Nathalie sa ‘The Blood Sisters’ kaya nagpaalam na siya sa show at nagpasa­lamat sa Dreamscape.

Mukhang sa September ay fly na ang 26-anyos na Kapamilya actress sa Australia kung saan hinihintay na siya ng mommy niyang excited sa pagbubuntis niya.

December ang civil wedding nila ni Mayank sa Sydney at January 2019 lalabas ang baby nilang si Penelope.