KINILIG ang DanQuil at RocSan fans sa pa-surprise kiss ni Rocco Nacino kay Sanya Lopez sa Kapuso event nu’ng Linggo sa Enchanted Kingdom.
Bale pa-thanksgiving ng Encantadia at pa-welcome sa Mulawin vs. Ravena ang Avisala MVR at EK na tampok ang mga artista ng dalawang Kapuso telefantasya.
Galawang Breezy si Rocco na marunong magpakilig, kaya tilian ang crowd nang i-kiss niya sa pisngi si Sanya pagkatapos nitong kumanta ng Versace on the Floor.
In fairness ay malakas ang kilig factor ng tambalang Danaya-Aquil o DanQuil sa Enca kaya mukhang bet na bet ng fans na maging totohanan ang romansa ng dalawa.
Paalis ngayong araw na ito ang RocSan pa-Canada dahil may show sila sa Vancouver for GMA Pinoy-TV.
First biyahe ito abroad ni Sanya kaya excited ang dalaga.
Una naming nakatsika si Rocco sa dressing room nila at ang sabi nito ay looking forward siya sa bonding nila ni Sanya dahil sabay silang aalis pa-Vancouver at plano niya itong ipasyal doon dahil may time sila.
Pero nang makausap namin si Sanya, ang sey nito ay hindi sila sabay ni Rocco papunta at pabalik dahil magkaiba sila ng plane na sasakyan.
At ang sabi raw kay Sanya ng manager niya ay mukhang wala silang time para makapamasyal doon.
Mayo 10 nang hapon ang dating nila sa Vancouver, so if ever man ay baka mag-hop on hop off bus lang sila para makaikot.
Rehearsals na kasi sila nang Mayo 11, tapos ay Mayo 12 ang show sa Massey Theater.
After the show ay uwi na sila dahil may taping pa ng Enca.
First ka-loveteam, first kiss at kasama ni Sanya sa kanyang first travel si Rocco.
Hindi niya alam kung ito rin ang kanyang magiging first boyfriend dahil sa Enca muna ang focus niya ngayon at sa kanyang career.
Basta kung anuman ang mangyari ay open siya sa relasyon.
Napaiyak ang 20-anyos na Kapuso actress habang katsika namin siya dahil magtatapos na ang Encantadia sa Mayo 19.
Ito ang biggest show niya at ‘pag nagpa-flashback sa kanya kung ano siya dati ay napi-feel niyang napaka-blessed niya na napasama siya rito.
Ang daming nabago sa buhay ni Sanya dahil sa Enca. Dati ay walang pumapansin sa kanya ‘pag naglalakad siya sa mall, pero ngayon ay tinatawag siyang Danaya ng mga tao.
Sobra siyang nasa-sad na patapos na ito, pero praying siya na may show siyang parating na maganda rin at magmamarka katulad ng Enca.