SAGANA sa paandar ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Bukod sa nakakaintriga niyang role sa Haplos, pinaingay niya ang Instagram nang mag-post siya ng litrato kung saan nakabihis panlalaki siya.

Maiksing buhok, walang bahid ng make up, at naka-basketball na attire ang hitad!

Nag-react ang netizens dahil gwapung-gwapo sila sa lalaking version ni Sanya.

Mas pogilicious siya kesa kuya niyang si Jak Roberto.

***

Saturday Night Fever!

Scandalicious ang mga ganap sa Beyond Naked Buddies V2 sa Sabado (Hunyo 10) nang 9:00 PM sa The Music Hall, METROWALK, Meralco Ave., Pasig City.

Sa photo shoot pa lang ay wala nang saplot ang bikini hunks na magpapakitang-gilas dito, kabilang ang indie actors na sina JM Martinez at Neil Suarez.

Naka-post ang pix & vids sa Twitter account na PINIPIG DE MANILA @ jerryolea.

Fiesta bonanza ang mga Sirena at Diwata!

“Sulit ang tiket na nagkakahalaga ng P300, P500 at P1000,” sabi ni Leklek Tumalad (cell# 0927-488-6886) na co-producer si Shobi Dionela sa palabas.

Ididirek ito ni Bembem Kho aka Michael Espanto.

Hopefully ay dumagsa ang sponsors na magpapabaha ng biyaya.

Kung ahon ang bikini hunks sa programa, mas mabangis ang pagrampa nila.

Di ba, Virginia Pakaskas?