Sanya, ninerbyos sa airport

Sanya Lopez

UNANG beses lumipad ni Sanya Lopez papunta sa ibang bansa nang mag-show sa Canada, kaya nadala siya ng mga kuwentong mahirap makapasa sa immigration.

Dinapuan ng kaba ang Kapuso actress dahil sa takot na baka ma-deny siya sa pagpasok sa eroplano.

“First time ko kasi talaga out of the country. Ngayon lang ako naka-experience na ini-interview sa immigration.

“Medyo nakakanerbyos dahil paulit-ulit ‘yung mga tanong, tapos, wala pang kahit isang tatak ‘yung passport ko. “Pagkalampas ko naman du’n, in-enjoy ko na ‘yung buong stay ko,” kuwento ng dalaga.

Kinilig si Sanya dahil sa pagpunta niya sa Canada, kilala siya bilang si Danaya ng Encantadia.

Ito ang binaon niya mula sa unang overseas trip niya at nagpapa­salamat siya sa show na nagbigay sa kanya ng ganitong break.

***

Umani ng samu’t saring reaksyon ang huling sinulat ng yumaong Pulitzer Prize winning journalist na si Alex Tizon tungkol sa naging alipin ng kanilang pamilya sa Amerika sa loob ng 56 taon — si Lola na tubong Mayantoc, Tarlac.

Ang pamilya ni Lola dito sa Pilipinas, kabilang na ang natitirang nabubuhay niyang kapatid, ekslusibong nakapanayam ni Jessica Soho para alamin pa ang kuwento at pakikipagsapalaran ni Lola (Eudocia Pulido).

Mapapanood ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi, pagkatapos ng Hay Bahay sa GMA 7.

***

Magsisimula ang bagong season ng Celebrity Bluff sa Hunyo 3, Sabado, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA 7.

Bluffers sa pilot episodes sina Alden Richards at Brod Pete.

Mag-aagawan sa grand prize ang mga bida ng Ika-6 Na Utos na sina Sunshine Dizon & Ryza Cenon, at ang magkakaibigan sa tunay na buhay na sina Andrea Torres & Rochelle Pangilinan, at Jennylyn Mercado & Sheena Halili.

Magtatagisan din ang Kapuso loveteams na sina Joyce Ching & Kristoffer Martin, Bea Binene & Derrick Monasterio, at Bianca Umali & Miguel Tanfelix.

Iho-host pa rin ito ni Eugene Domingo, with Edu Manzano as special bluffer.

Sabi ni Uge, “I am excited for the show to start again. I’m so in love with my work.

“I’m so inspired with making people happy, and I have accepted the fact na ‘fact na fact’’ na my mission here in my life is to make people smile and feel good about everything.”

Natutuwa si Edu na makatrabaho si Uge.

Ani Edu, “Ako, personally this is a new thing for me. This is my first time to really work with Uge.

“Bilib ako sa kanya, eh. Sinasabi nga nu’ng marami sa ating mga pinakatanyag, pinakasikat na humorists or comedians, it’s hard to make people laugh than to make them cry.

“So, I’m looking forward to working with Ms. Eugene Domingo.”