Sapat ang supply ng kuryente sa 2017

Department of Energy

Tiniyak ng pamunuan­ ng Department of Energy­ (DOE) na may sapat na suplay ng kuryente sa susunod na taong 2017 sa kabila ng napipintong pagsasara dahil sa “maintenance” ng Malampaya natural gas plant.

Kahapon, base sa ­pahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi, wala naman umanong mala­king epekto sa suplay ang maintenance shutdown ng Malampaya mula Enero­ 28 hanggang Pebrero­ 16, 2017 dahil sa gagamitin umano ang lahat ng panggagalingan ng ­enerhiya at mga pamamaraan.

Tinukoy ng kalihim na bago pa man ang pagsasara ng Malampaya, may mga inihanda na silang mga preparasyon para rito kasama ang mga “stakeholders” sa enerhiya upang maproteksyunan ang mga konsyumer at matiyak ang tamang presyo ng kuryente.

Sinigurado rin niya na matutupad ang iskedyul ng “maintenance work” sa Malampaya. May maayos­ na track record naman umano ang Shell Philippines Exploration Corp. (SPEx) na nakakatupad sa kanilang takdang oras sa mga proyekto.