Mahilig ka ba sa sports at sapatos?
Kung ikaw iyong tipo ng tao na sports at shoe lover ay mag-ready ka na!

 

Ito ay matapos ianunsyo ng Nike na sa loob lamang ng ilang linggo ay ilalabas na nila ang next-generation self-lacing na basketball shoes.

 

Bibilib ka sa Adapt BB shoes ng Nike dahil ito ay automatic. Gamit ang custom motor at gear train, ito mismo ang magluluwag at maghihigpit ng sintas nito at ang sapatos din mismo ang mag-aadapt depende sa magi­ging galaw ng paa o aktibidad ng may suot.

 

Bukod dito, sa pamamagitan ng smartphone app ay puwede ring kontrolin ang nasabing self-lacing shoes.
“We picked basketball as the first sport for Nike Adapt intentionally because of the demands that athletes put on their shoes,” paglalahad ni Eric Avar, Nike VP Creative Director.

 

Abangan ang makabagong sapatos na nakatakdang ilabas sa merkado ng Nike sa Pebrero 17.

 

Gayuma’y maghanda rin ng malaking halaga dahil ang presyo nito sa Amerika ay $350 na katumbas ng P18,000 sa Pilipinas.