Sapatos na Nike na sinuot at may pirma ni National Basketball Association legend Michael Jordan ang ilalagay sa auction block sa Sotheby’s.
Ang Air Jordan 6 ang unang pinasikat ni Jordan nang magkampeon ang Chicago Bulls noong 1991.
Idinesenyo kay His Airness noong 1985 ang kauna-unahang signature sneakers niya at maibebenta ito sa kasalukuyan ng $100,000 hanggang $150,000 sa online auction, ayon sa Sotheby’s.
Sikat ang Sotheby’s sa pagbebenta ng mga multi million-dollar art sa Estados Unidos.
May pulang sintas at pirma ang white, black at red Air Jordan 1 sneakers na palaging ginagamit ng Chicago superstar.
Ibinebenta ng founder ng sneaker museum Shoezeum na si Jordan Geller ang sapatos ng G.O.A.T ng NBA, naka-display na sa Las Vegas, Nevada. (Elech Dawa)