Pinabulaanan ni Inday Sara Duterte na magre-­resign siya sa pagka-mayor ng Davao.

Inihayag ito ni Duterte matapos kumalat ang ­bali-balita na magre-resign siya sa pagka-mayor ­dahil sa pag-file ng leave of absence sa unang araw ng kanyang panunungkulan na magtatapos hanggang sa araw na ito.

Nasa kalagitnaan ng kanyang leave of absence ang alkalde ng may pumuna at nag-message sa kanya sa Facebook at pinagsabihan siyang magtrabaho na dahil inaasahan siya ng maraming bomoto sa ­kanya sa pagserbisyo sa taong-bayan.

Sinagot naman ito ng alkalde sa pamamagitan ng Facebook at sinabing kaya siya nag-leave ay para maasikaso ang mga personal na bagay at upang hindi niya magamit sa personal ang oras ng pagta­trabaho bilang alkalde na bayad ng taong bayan. ­