Naka-60 na araw na medical leave si Davao City Mayor Sara Duterte na dahilan upang hindi ito makadalo sa State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

“No, I won’t attend. I am on a special medical leave for 60 days. It is a gyne condition,” sabi pa Sara. Gayunman, hindi na nito idinetalye ang tungkol sa sinasabing gyne condition.

“My brothers Baste and Paolo are going for the family,” dagdag nito na ang tinutukoy ang kanyang kapatid na sina Davao City Vice Ma­yor Sebastian Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte.