Sara sa Kongreso: Sipain si Alvarez

sara-duterte-pantaleon-alvarez-00

Tuwirang itinulak ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagpapatanggal kay Davao del Norte Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez bilang Speaker ng Kamara de Representante.

Katuwiran ni Ma­yor Duterte, magiging maayos ang Pilipinas kung hindi si Alvarez ang Speaker ng Kamara.

“The Philippines will be a better country if he is not Speaker. PRD (President Rodrigo Duterte) will be a stronger President without Alvarez,” diin ng alkalde.

Aniya, maraming congressman na may katangian na ma­ging lider ng Kamara at kayang lampas ang mga nagagawa ni Alvarez para sa administrasyong Duterte.

Sumabog ang galit ni Sara nang tawagan umano siya ng mga alkalde sa Mindanao na ipinagkakalat umano ni Alvarez na bahagi na siya ng oposisyon at kagalit nito ang amang si Pangulong Duterte.

“…he is calling mayors in the region telling them that I am opposition, I have feud with my father and that b**ch I am acting alone. This insecure fat sleaze is the epitome of the idiom bar­king at the wrong tree. I am not interested in his politics but he fired the first shot,” banat ni Sara.

Nagbabala pa ang anak ng Pangulo na hindi pa siya tapos kay Alvarez dahil mayroon pa itong pasasabugin na baho ng mambabatas.

“Ano sabi mo in a crowd, ‘President iba siya, Speaker ako, I can always impeach him!’ And you call me opposition? Somebody should really tell the President about the truth. Antay ka bukas, I have another story,” babala ng Davao Mayor sa post sa social media.

Nauna rito ay bumuo si Mayor Duterte ng regional party na ‘Hugpong ng Pagbabago’ pero minasama ito ni Alvarez, secretary-general ng PDP-Laban, at sinabing magpapalala ito sa problema ng political dynasty sa bansa.

Kinlaro naman ni Alvarez na wala siyang sinabing bahagi ng oposisyon si Sara.
“Baka meron lang nagsabi ng mali siguro. Okay lang yun,” ani Alvarez.