Sarah 31-anyos na, wala pa ring ‘laman’

Matagumpay ang “Love x Romance” concert ng Pop Balladeer na si Ronnie Liang sa Music Museum kamakailan.

Nagpamalas si Ronnie ng kanyang kahusayan sa pagkanta. Sa opening pa lang ay tuwang-tuwa ang fans dahil binanatan niya ang Michael Buble medley. Swak na swak ang Buble songs kay Liang. Makikita mo talaga na hindi binabayaan ng singer-actor ang kanyang boses.

Nagdagdag entertainment sina Ella Cruz na swabeng swabe humataw at Janine Teñoso na grabeng bumirit.

Ang pinakabongga ay ang pagsuporta ng nag-iisang Sarah G sa concert ni Liang. Kumanta ang dalawa ng “Shallow” at “Liwanag,” na bagong collab song ng dalawa na available na sa Spotify at other digital music platforms.

“I’m very grateful kay Sarah G. She’s very kind and humble. Lagi niya akong pinupuri, coming from her ‘di ba. Sinabi ko talaga noon kay Boss Vic na gusto ko siyang makasama sa concert. Ito na nga, nangyari na,” pahayag ni Liang.

Bago umalis si Sarah ay tumalikod at may inayos sa suot.

“Meron po akong iaakyat,” sey niya na ang tinutukoy ay ang kanyang bra.

“Wala po kasing laman susmayosep. Trenta’y uno na po ako wala ring laman,” bulalas niya.

Biro pa niya, “Buti pa ‘yung camera may laman na pictures.”

Ang “Love x Romance” ay concert ni Ronnie Liang bilang selebrasyon ng kanyang ika-12 sa music industry. Marami pang dapat abangan sa kanya from his music and acting career.

Malapit na rin siyang magtapos bilang piloto at very soon ay makakalipad na. Pangarap niyang isakay sa eroplano ang kanyang pamilya.

Anyway may Christmas song din si Ronnie na mapapakinggan entitled “Sa Paskong Darating” by Joel Abad.