Sarah akala buntis

Nagtalo ang mga netizen sa paglabas ni Matteo Guidicelli ng rapid test nila ni Sarah Geronimo ng COVID-19 sa kanyang IG stories.

Kahit umayuda na ang proyekto niyang #onevoicePh sa mga kababayan natin at umikot na iba’t ibang lugar may mga taong hindi alam ang kanyang ginagawa.

Sey ng isang netizen “Si Matteo na Army Reservist at Youth Ambassador pero di halos naramdaman nitong mga nagdaang kaganapan.”

“Di naman lumabas ng bahay pero may audacity pang magpatest.”

Kinontra naman siya at ipinamukha ang proyekto ng actor. “Nag-raise sya ng funds thru online show. Tapos may joint project sya with Landers and military.”

Bagamat wala pang kumpirmasyon si Matteo sa resulta ng rapid test nila ni Sarah , mababasa sa isang site na negative umano sila sa COVID.

Sa IG naman ng @ashmattfann may komento rin ang kanilang mga tagahanga.

@joannvillar,”stay safe..🙏🙏 kala ko preggy na si Sarah”

@matjosh07, “akala ko talaga PT hahaha my gosh! naexcite tuloy ako!”

@plm2383,” Iisa tayo Ng iniisip .”

@aina_legaspi, Akala q pregnancy test na…hahaha.”

@stamdy921, “Yung time na naka lagay sa test kit ni sarah 9:16 anniv nila .”

@mprentet_05, “hehehhe.. nabigla ang puso ko.”

Boom!

@@@

Matteo-Sarah romance binuking ang umpisa

May throwback photo sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa celebrity makeup artist na si Lala Flores. Kuha ito sa concert sa San Francisco, USA nu’ng 2013.

“This US concert tour is where it all started for Mr. & Mrs. Guidicelli,” caption niya sa IG at naka-tag si Matt.

Pakli naman ng actor, “Yes, what wonderful times!”
Mababasa naman sa @ashmatt_believers, “And now forever for us”-MatteoG. “A love with no ending”oh i’m so happy and honored to be noticed by @matteog Salamat Kaayo Sir! “A relationship that lasts is one with Christ in the center” Godbless to you both @justsarahgph and @matteog.”

May quote card pa na “ Connected with the help of music and coz it is the will of God. 7 years ago and forevermore”
Talbog!