HAVEY: Good news sa fans na naka-miss na sa Popstar na si Sarah Geronimo. Handa nang ­gumawa uli ng peli­kula ang ating Box Office Queen.

Ang huling pelikula pa ni Sarah ay ‘yung The Break Up Playlist nila ni Piolo Pascual.

Natanong ko kung bakit hindi si ­Matteo Guidicelli ang itam­bal kay Sarah. Tumahimik na lang ang nakausap ko.

Sayang at mabait pa naman si Matteo pero mas magandang hiwalay na lang muna sila ni ­Sarah sa acting projects.

Isa pang magandang project sana ay kung mapagsama-sama ang mag-aate na sina Sharon, Juday at Sarah sa pelikula, pero mananatili munang dream project ‘yun.

Nang tanungin ko kung fourth ins­tallment ng A Very Special Love ang gagawin ni Sa­rah, wala pa itong kumpirmasyon.

Open ‘yung ga­nu’ng posi­bilidad. Po­sible ring bagong istorya at mas adult ang tema ng mga susunod na peli­kula dahil nag-mature na si Sarah at ang kanyang ­audience.

Sino kaya ang makakatambal ni Sarah this time? Kayo, sino ang gusto ninyo?

Kahit naman sino, puwede. Pero ang hula ko, balik-John Lloyd Cruz pa rin si Sarah G.

***

WALEY: Tuluyan nang nagkahiwalay ang celebrity couple na ito na ang dami na ring nalampasang pagsubok.

Sayang dahil nitong nakaraan ay huling-­huli at hindi na raw makakapag-deny si mister sa milagrong kinasang­kutan niya.

May Exhibit A si ­Misis na CCTV foo­tage na caught in the act si Mister kasama ang sekretarya niya na may ginagawang ­milagro.

Tuluyan nang nag­hiwalay ang mag-asawa.

Kaka-celebrate lang ni misis ng kanyang birthday bilang isang single woman muli.

***

WEHHHHH: ­Fiesta ang booklovers ngayong weekend sa ­Manila International Book Fair 2016.

Lahat ng klase ng libro ay makikita at mabibili nila sa SMX Convention Center-Mall of Asia.

Kahapon, may event si James Reid sa launch ng graphic novel na bagong ‘Pedro Penduko’ ng Viva Publishing.

Bukas, may book signing si Bianca ­Gonzalez sa kanyang ­libro pati na sina Chico at Delamar.

Sa Linggo ng 10:00 am-12:00 noon, merong book signing, mini show kasama sina Edgar ­Allan Guzman at Baihana, at forum kasama sina Atom Araullo, Olympic ­silver medalist Hidilyn Diaz at Iza Calzado plus iba pang surprise guests kaugnay ng aking ­libro na Sisikat Din Ako at ­Mag-Artista Ka sa main activity center by Anvil ­Publishing.

At sa gabi ay may book launching sina Direk Joven Tan, Mr. Fu at Rita Avila ng kanilang mga bagong libro.

Sinu-sino kaya ang mabubuking na­ting booklovers sa Book Fair? Well, well, well…

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.