SWIMMING with the whalesharks ang bonding ng mag-sweetheart na Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli a few days ago sa Oslob, Cebu.
Bale ‘yun ang quiet celebration ng AshMatt ng kanilang 3rd anniversary bilang magkasintahan.
September 2013 nang maging mag-on ang dalawa. Bale ito na ang pinakamatagal na relasyon ng 28-anyos na si Sarah.
Puntahan ng maraming turista ang Oslob dahil sa mga butanding doon.
Ang daming AshMatt photos na kumalat sa social media dahil maraming kumuha ng pics nang makitang magkasama ang dalawa.
As usual ay laging magkahawak-kamay ang mag-sweetheart at very protective si Matt sa kanyang girlfie.
Hindi ugali ni Matt ang mag-post ng pics nila ni Sarah sa social media, pero ang ganda nu’ng underwater shot na pinost niya sa Instagram na hawak niya si Sarah sa ilalim ng dagat, tapos ay nasa likod nila ang dalawang malalaking whalesharks.
Isang simpleng “The best,” ang caption dito ni Matt, na may pa-hashtag na #butanding #oslob #cebu at #myhome, no mention of Sarah.
Ang daming natutuwa para sa Popstar Princess dahil iba-iba ang mga nae-experience niya sa piling ng kanyang boyfie.
Parang basta kasama niya si Matty ay ready siya for any adventure at keri niyang gawin ang kahit na ano.
Tila very at home na si Sarah sa Cebu bilang lagi siya sa hometown ng kanyang nobyo.
Mukhang sanay na rin ang dalawa na ang daming kumukuha ng pictures nila kahit saan sila magpunta.
Ang cute nu’ng nakita naming isang pic na T-shirt ni Matteo ang suot ni Sarah.
“Naks! Nalabhan agad ‘yung shirt ni Matt?!” ang tanong ng nag-post na AshMatt fan.
***
Nakapag-whale watching na sa Oslob at sa Malapascua ang mag-sweetheart na Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, kaya this time ay ibang lugar naman ang dinayo nila.
Habang nasa Italya sina Raymond at Ruffa Gutierrez, sina Richard at Sarah naman ay nagpunta ng New Zealand, tapos ay dumiretso sa Vavau sa Kingdom of Tonga.
Gandara ang mga underwater shots ni Chard, gaya nu’ng isang malaking humpback whale na nag-high five pa raw sa kanya.
Panalo ang shot ni Chard kay Sarah mula sa ilalim ng dagat habang paahon ito sa Swallows Cave kung saan sila nag-diving.
Ang dami tuloy nagtatanong kay Chard kung nag-aral ba siya ng photography, na ang sagot niya ay hindi.
May isang umaga na wala silang nakitang whale, pero nu’ng hapon ay may isang humpback calf na lumapit ay nakipaglaro pa sa kanila.
“This humpback calf stayed and played around with us for more than an hour with its mum watching in the depths of the ocean floor. What a great experience,” sabi ni Chard sa kanyang IG post.
May na-meet pa sila sa bar doon na inimbita sila ni Sarah sa sailboat nito. Nagluto sila ng lunch on board tapos ay nag-free diving sila sa caves.
Bonggah ring mag-adventure ang SarChard, na tamis-tamisan ang kissing pic in the middle of the Pacific Islands.
***
Si Anne Curtis ay may pa-underwater photo rin habang nagsu-swimming sa Amalfi Coast sa Italy.
“Blue is the warmest colour,” ang caption niya sa pic na nasa ilalim siya ng asul na dagat.
Maging sa Green Grotto sa Capri ay nag-swimming din si Anne, kasama siyempre ang Fil-French boyfie at favorite travel buddy niyang si Erwan Heussaff.
Nakabalik na si Anne mula sa Europa, pero hindi siya agad nakapag-report sa It’s Showtime dahil dumiretso siya sa shooting ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?