Sarah ayaw makalbo si Matteo

Sarah ayaw makalbo si Matteo

Sa vlog na in-upload ni Dra. Vicki Belo, ibinahagi ng dermatologist of the stars ang balita na sinamahan ni Sarah Geronimo ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli nang magpakonsulta ito sa kanya kamakailan.

Sumailalim daw sa isang procedure ang Fil-Italian actor para maagapan ang pagkakalbo nito.

Nasa lahi kasi ni Matteo ang problema sa testosterone count kagaya ng kanyang ama na si Gianluca Guidicelli na maaga ring nakalbo.

Dahil dito, may mga netizen na nag-react kung kailan daw naman sasamahan ni Matt si Sarah sa isang obstetrician sa pagbubuntis nito.

Hirit naman ng ilang kati-katerang netizens, tila malabo pa raw mangyari iyon lalo pa’t may problema raw ang mister sa kanyang testosterone. (Archie Liao)