Sarah, bakasyon muna kasama ang parents

KUNG tama ang tsika sa amin ng isang taga-travel agency, kagabi umalis ng bansa pa-Europe (via Abu Dhabi, United Arab Emi­rates) si Sarah Geronimo.

Nope, hindi solo si Sarah sa pagbabakasyon niya sa Europe dahil kasama niya roon ang kanyang parents na sina Mommy Divine at Daddy Delfin Geronimo.

Bukod sa bakasyon nila sa Europe, pupunta rin sa New York at iba pang parte ng Amerika si Sarah at ang parents niya.

Kung tama kami, based sa NYC ang isang kapatid ni Sarah at malamang na dadalawin nila ‘yon.

Ang alam ng source namin, dalawang buwan magbabakasyon si Sarah kasama ang kanyang parents.

Pero hindi siya sure sa itineraries ni Sarah at ng kanyang parents dahil madalas na pabagu-bago ang mga ito.

Hindi rin siya 100% sure kung natuloy ba kagabi ang pag-alis ni Sarah at kanyang parents.

Anyway, kung dalawang buwan lang mawawala si Sarah kasama sina Mommy Divine at Daddy Delfin… sigu­ro naman ay walang gagawa ng intriga na ma­nganganak sa ibang bansa si Sa­rah, ‘noh?!

Kung matatandaan, may ibang gumawa ng intriga na buntis ang girlfriend ni Matteo Guidicelli pagkatapos mag-announce ang kampo ng dalaga na magpapahinga siya.

Kahit ginawan ng ganoong tsismis, hindi lumaki ang tiyan ni Sarah.

Sa latest pictorial niya para sa Alaska Milk, kung titingnan mong mabuti, malabong buntis ang dalaga.

***

Inusisa namin kahapon ang isang taga-ABS-CBN na kilalang malapit kay Kris Aquino.

Tinanong namin ang taong ‘yon kung totoo bang lumipat na si Kris sa GMA 7 (under APT Entertainment of Mr. Tony Tuviera na nagpoprodyus ng Sunday PINASaya at Calle Siete, at involved din sa Eat Bulaga)?

Wala raw kaide-idea ang taong tinanong ko tungkol sa bagay na ‘yon.

Ni hindi raw sila nakakapag-usap ni Kris considering na palagi silang magkasama noon.

Nagtatampo ba ang Queen of All Media, kaya pati sa mga ka-close niya sa Kapamilya network ay hindi siya nakikipag-usap?

***

Maraming nakapali­gid kina Enrique Gil at Liza Soberano ang nagdududang mag-on na ang dalawa, pero hindi pa lang nila inaamin ang tungkol doon.

Kung sobrang nakakakilig kasi sila sa mga eksena nila sa Dolce Amore ay dobleng kilig daw ang nararamdaman ng mga nakakakita sa kanila off-cam.

Sobrang caring daw sa isa’t isa sina Enrique at Liza.

Sabi ng mga nano­nood ng Dolce Amore, halata raw na may feelings sa isa’t isa sina Enrique at Liza.

Anyway, ang pagi­ging makatotohanan ng kanilang kilig scenes sa Dolce Amore ang lalong nagpapataas ng ratings ng kanilang primetime series.