“RUFFA, ‘wag kang ma­ging tsismosa!”

‘Yan ang tumitiling ­dialogue ni Annabelle Rama sa anak na si Ruffa­ Gutierrez nang pilit na ­kinukumbinsi ng bagong manager na si Arnold Vega­fria na ibulong dito ang tungkol sa pasabog mamayang gabi sa reality TV series nila na It’s Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! international ­cable channel.

It turned out na may promo plugging na ang E! na lumala­bas para sa episode nila mamayang gabi at naka-concentrate ang promo sa ­EXCLUSIVE announcement ng pamilya Gutierrez tungkol sa isang secret na mamaya lang mari-reveal.

Eh, maraming hindi na makapaghintay tungkol doon, kaya si Ruffa ang kinukulit, pero kabilin-­bilin ng Gutierrez matriarch na hindi puwedeng i-reveal ‘yon ni “Ruffaree” or else, magagalit ­talaga si Bisaya, huh!

Kabilin-bilinan ni Bisaya na tumutok na lang mamayang 8.30 PM sa E! na napapanood sa SkyCable (Channel 57), Cignal TV (Channel 61), Cable Link (Channel 33) kung type malaman kung ano ang “pasabog” na ‘yon, ‘noh?!

Eh kanya-kanyang hula ang mga tao tungkol doon, pero­ ang duda ng karamihan, baka mamayang gabi na ang announcement tungkol sa napapaba­litang buntis si Sarah Lahbati at masusundan na nila ni Richard Gutierrez si Zion.

May iba na nagtatanong at ang dialogue ay, “Hindi kaya secretly married na pala sina Richard at Sarah at ‘yon ang ‘pasabog’ sa latest episode ng It’s Takes Gutz to be a Gutierrez?!”

Si MJ Marfori ng TV5, pati kami ay kinukulit, pero sabi namin sa kanya, kasabay lang niya kaming tututok mamayang gabi sa E! para sa revelation na ‘yon ng ­sikreto ng pamilya Gutierrez dahil wala kaming alam tungkol doon.

Wala kaming pinir­mahang non-disclosure agreement sa E! kaya pati sa amin ay ingat na ­ingat si Bisaya na magkuwento.

Kung noon kapag hindi mapigilan ni Bisaya ang magkuwento ay ­palagi niyang sinasabi sa amin na, “Ikaw lang ang kukuwentuhan ko, kapag may lumabas, sa ‘yo lang galing!” pero ngayon ay wala lang, dedma lang ­siya, kaya hindi na ­namin siya inuusisa.

***

Magkasama ang mag-inang Lotlot de Leon­ at Janine Gutierrez sa weekly series ng GMA 7 na Unbroken Hearts na sa Zambales kinukunan ang karamihan ng mga eksena.

Kahapon, magkasama sila sa taping.

Let The Sunshine Inn ang dating title no’n, pero pinalitan na.

Hindi pa sure kung kailan ‘yon magsisi­mulang ipalabas, pero line-produced ‘yon para­ sa Kapuso network ng isang kilalang independent movie producer.