Kakaibang kariktan ang nabistahan kay Sarah Lahbati sa kanyang Instagram post a couple of days ago.

Dito’y makikita si Sarah na nagchi-chill sa El Nido, Palawan. Sa suot niyang emerald green na one piece bathing suit, tila tinapatan ng beauty ni Sarah ang ganda ng naturang sikat na tourist spot ng bansa. May isa pang photo kung saan nagpaduyan-duyan pa siya habang naka-swimsuit.

Pampagising sa mga natutulog na ugat ng mga kalalakihan ang taglay na alindog ni Sarah. May dalawang anak na ang long-legged na StarStruck 5 Ultimate Female Survivor, pero kaya niyang makipagsabayan sa mga dalagang actress/celebrity kung hotness lang ang pag-uusapan.

Bukod sa kanyang kaseksihan at beauty, may angkin na kakaibang karisma ang misis ni Richard Gutierrez.

Normal lang naman na pagpantasyahan ng mga kalalakihan ang isang babae, lalo na kung kasing hot ni Sarah. Mahirap kasi talagang magpigil ang isang lalaki na hangaan ang tulad niya.

Kahit saan mang anggulo silipin, panalo ang porma ni Sarah. Idagdag pa rito ang kanyang matinding sex appeal, sino mang barako ay aasamin na magkaroon ng partner na tulad niya. (Nonie Nicasio)