Sarah dawit sa landiang Lloydie-Bea

Sigurado namang hindi sinadya ang pagkakadawit ni Sarah Geronimo-Guidicelli sa IG landian nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Ang actor kasi ang nagpasimula na bigkasin ang illang linya mula sa isang pelikulang si Geronimo ang kanyang kapareha .Ang reaksyon naman ni Alonzo ay kunyari nabubuwiset dahil hindi siya ang kapareha ni Cruz.

Eh tamang kulit ang ama ni Elias at may hanash na: “Why? are you jealous?”

Ang counter hanash ng this generation’s movie queen: “Wala akong laban dun, GL un eh.”

And in an instant, parang na-shookt ang actor in semi-hiatus status, lounge-tied bigla at ang tanging namutawi lang sa kanyang mga labi ay “Hayop…” tapos change topic na.

Siyempre, nagbaliw-baliwan sa ilusyon ang mga Sarah-Lloydie panatiko . Siguradong-sigurado sila na si signiorina Guidicelli pala ang the one that got away at greatest love ni JLC dahil ang linyang sinambit ng actor ay mula sa pelikulang kanilang pinagsamahan ni Geronimo.

A case of water under the bridge na ito .Naway gumising na sa ilusyon ang mga panatiko dahil kitang-kita naman na maligayang-maligaya na si Sarah sa piling, bisig, mga yakap at pagmamahal si Matteo.

Kung ipagpapatuloy pa nina Cruz at Alonzo ang kanilang lanturan, pareho na silang nasa tamang idad.Alam nila what is best for them.

Huwag lang masyadong itaas ang mga pantasya na sa bandang huli, magiging sila. Malay niyo, malay ko, malay nating lahat, “scripted” lang pala ang lahat para pampataas sa views at followers, huh!