Bongga ang opening ng PBA 45th season sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Bago ang tipoff ng first game ng season sa pagitan ng San Miguel Beer at Magnolia ay pumarada muna ang 12 team kasama ang kani-kanilang muse.

Pinakamalakas ang palakpakan nang pumasok si Sarah Geronimo na muse ng Phoenix.

Si Kathryn Bernardo sa Hotshots.

Dalawang dalaga ng dating player din ang naging muse, ang anak ni Alvin Patrimonio na si Christine sa NorthPort at si Alyssa Muhlach Alvarez, anak ni Paul Alvarez, sa SMB.

Bumandera sa NLEX si taekwondo champion Pauline Lopez, si Sanya Lopez sa Ginebra.

Sina Mutya ng Pilipinas Klyza Castro at Chaiyenne Huisman sa Rain or Shine, Zowie Palliaer sa Alaska, Joy Wu sa Blackwater, Katrina Llegado ng Columbian Dyip, Leren Mae Bautista ng Meralco at Ariella Arida ng TNT.

Pinasaya ng mini-concert ni Jett Pangan ng The Dawn ang malaki-laki ring crowd. (Vladi Eduarte)