Sarah humopia bigo na magka-baby girl

BAGO tuluyang pinutok ni Sarah ang ma­laking balloon na nag­lalaman ng gender ng second baby nila ni Richard at hilain ng huli at ni Zion ang piñata na naglalaman din ng gender ng kanilang second baby, sinabi ni Sarah na ang gusto ng kanyang fans ay baby girl naman para may boy at girl na sila ni Richard.

“Para complete na raw ang fa­mily namin,” sey ni Sa­rah.

Sinabi rin nina Richard at Sarah na tanging si Alex Uichico-Gutierrez na misis ni Elvis Gutierrez lang ang nakakaalam kung ano ba ang gender ng second baby nila na ipinagbubuntis ni Sarah (4 months na).

Nang ma-reveal na nga na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis, kasabay lang nalaman ‘yon ni Sa­rah, pati ni Richard, pati ng mga bisita sa gender reveal party na ‘yon, pati ng mga nanonood sa social media dahil may ibang naka-live sa kanilang social media accounts.

Kahapon nang makakuwentuhan namin si Alexa, inusisa namin siya tungkol sa sinabing ‘yon ni Sarah.

“Pareho kasi kami ng doctor, si Dr. Teresa Henson. So, kapag nag-uusap kami ni Sarah sa bahay, sinasabi ko sa kanya, dapat this time, siya naman, pati si Chard, ang ma-surprise namin,” sey ni Alexa.

Ang ibang mga miyembro ng pamilya Gutierrez, including her husband, Elvis, hindi raw alam na si Alexa lang ang nakakaalam ng gender ng second baby nina Richard at Sarah.

Pero sa tuwing nag-uusap sila, alam daw ni Ale­xa na hinuhuli siya ni Sarah, kaya parang pinalalabas daw niya rito na babae ang ipinagbubuntis ng dyowa ni Richard.

“Kina-catch (hinuhuli) niya ako. Sabi ko naman, ‘She’s (the baby) gonna be so cute!’ Then sasabihin ni Sarah sa akin, ‘Girl, bakit mo sinasabi?’ Kunwari lang nadudulas ako. Akala ni Sarah girl nga talaga kasi palagi ako na nagkukun­waring nag-i-slip o the tongue. Drama ko na lang naman ‘yon.

“So, feeling ko, hanggang doon sa puputukin na ni Sa­rah ‘yung big balloon, akala talaga niya, babae ‘yung ipi­nagbubuntis niya. Eh, noong party mismo, nag-pink pa ako, pati si Aria, para kunwari talaga girl. Hahaha!” natatawang kuwento ni Alexa.

Hanggang matapos daw ang Gender Reveal party, kinausap pa ni Sarah si Alexa.
“Lex, sure ka, girl talaga?!” ang pang-uusisa raw ni Sarah.

Eh, napabilib daw talaga ni Alexa noong una si Sarah sa mga drama niya, kaya sa bahay raw, nagpa-practice na si Sarah kung paano mag-take care ng baby girl at siya ang nag-aalaga sa mga anak ni Alexa na sina Aria at Ezra.

Si Zion nga ang tuwang-tuwa na magkakaroon na siya ng baby brother dahil gusto niya na may kalaro.