Ni Roldan Castro
Naging ma-ningning ang 35th PMPC Star Awards For Movies sa katatapos na Gabi ng Parangal kagabi, ika-2 ng Hunyo, 2019, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.
Naudlot ang pagiging ‘Grand Slam Queen’ ni Nadine Lustre dahil sina Sarah Geronimo at Kathryn Bernardo ang tumanggap ng Best Actress award.
Matatandaang naka-dalawang best actress trophy na si Nadine sa FAMAS at Young Critics Circle.
Si Ogie Alcasid ang tinanghal na Best Actor.
Emosyonal pero kontralado ang speech nina Ogie at Kathryn.
Nairaos naman ang first hosting job ni Kathryn sa Star Awards.
May isang segment lang na instead na mga ‘nominado’ ang dapat sabihin ay ‘narito naman ang mga nanalo’ ang nasabi niya. Nu’ng umpisa ay natigil din siya sa sasabihin at binabasa dahil na-distract siya kay Robi Domingo.
Naging madamdamin ang pagbibigay-parangal sa Mga Natatanging Bituin ng Siglo sa pagsasama-sama ng mga respetado at tinitingalang bituin sa isang entablado. Binigyan ito ng stan-ding ovation at napuno ng palakpakan, marami ang napaiyak sa napakagandang pagtitipong ito.
Naiyak si Niño Muhlach sa kanyang acceptance speech.
Duma-ting din si Ramon Revilla Sr. na naka-wheelchair kasama si Senator-elect Bong Revilla.
Ang mga gina-waran ng Nata-tanging Bituin ng Siglo ay sina Nora Aunor, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Garcia, Anita Linda, Niño Muhlach, Ramon Revilla, Sr., Susan Roces, Gloria Romero, Philip Salvador at Vilma Santos.
Ipinagkaloob ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kay Dante Rivero at ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award kay Ms. Laurice Guillen.
Apat na beteranong manunulat, sina Ethel Ramos, Ronald Constantino, Veronica Samio at Letty Celi ang pinagkalooban ng Outstanding Pillars of PMPC.
NARITO ANG MGA NAGWAGI:
MOVIE OF THE YEAR – “Rainbow’s Sunset”
MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR – Joel Lamangan (“Rainbow’s Sunset”)
INDIE MOVIE OF THE YEAR – Citizen Jake
INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR – Mike De Leon (“Citizen Jake”)
MOVIE ACTOR OF THE YEAR – Ogie Alcasid (“Kuya Wes”)
MOVIE ACTRESS OF THE YEAR – (TIE) Sarah Geronimo (“Miss Granny”) & Kathryn Bernardo (“The Hows Of Us”)
MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR – Arjo Atayde (“BuyBust”)
MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR – Cherie Gil (“Citizen Jake”)
NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR – (TIE) Danzel Fernandez (“Otlum”) & Ryle Santiago (“Bakwit Boys”)
NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR – Sanya Lopez (“Wild And Free”)
MOVIE CHILD PERFORMER OF THE YEAR – Kenken Nuyad (“Liway”)
MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR – Eric Ramos (“Rainbow’s Sunset”)
MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR – Pong Ignacio (“Goyo: Ang Batang Heneral”)
MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR – Roy Lachica (“Goyo: Ang Batang Heneral”)
MOVIE EDITOR OF THE YEAR – Jay Halili (“BuyBust”)
MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR – Len Calvo (“Miss Granny”)
MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR – Steve Vesagas and Whannie Dellosa (“BuyBust”)
MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR – “Rainbow’s Sunset”
MOVIE THEME SONG OF THE YEAR – “Sa‘Yo Na” (“Rainbow’s Sunset”)
INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR – Mike De Leon, Atom Araullo, and Noel Pascual (“Citizen Jake”)
INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR – Neil Daza (“Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon”)
INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR – Ana Lou Sanchez (“Hintayan Ng Langit”)
INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR – Gerone Centeno and Tim Estera III (“Citizen Jake”)
INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR – Paulo Protacio (“Bakwit Boys”)
INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR – Lamberto Casas, Albert Michael Idioma, and Aian Caro (“ML”)
INDIE MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR – “Citizen Jake”
INDIE MOVIE THEME SONG OF THE YEAR – “Hapi Ang Buhay” from the movie “Hapi Ang Buhay”
SHORT MOVIE OF THE YEAR – (TIE) “Talulot” (EAB Productions) & “10 Seconds” (Sonza Entertainment Productions)
SHORT MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR – Joey Austria (“Talulot”)
MOVIE LOVETEAM OF THE YEAR – Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (“The Hows Of Us”)
DARLING OF THE PRESS – Daniel Fernando
Frontrow Male and Female Celebrity of the Night – Robi Domingo & Iza Calzado
Male and Female Face of the Night – Grae Fernandez & Heaven Peralejo
Glo-wing Guy and Gal of the Night – Jameson Blake &Kira Balinger
Panalo at pa-sabog din ang speech ni Joel Lamangan bilang Movie Director of the Year.
“Isang daang taon na po ang ating industriya. Dumaan ang napakaraming taon maganda ang mga nangyari pero nais ko ring sabihin na sa panahon ngayon parang hindi naman ganoon kaganda na ang nangyayari. Talong-talo na po tayo ng mga banyagang palabas. Kokonti na po ang nanonood ng ating pelikula.
Tangkilin po natin ang ating pelikula. ‘Yan lamang po ang meron tayo. May pagkakataon na walang palabas na pelikulang Pilipino sa sinehan dahil puro banyaga. Puro ‘Avengers,’ puro ‘John Wick.’ Wala masyadong Pilipino. Manood ka sa Pilipino tatlo lang ang nanonood o apat.
Kailangan po ng tulong ng ating industriya. Baka kinaumagahan gumising na lang tayo wala na tayong pelikula. Wala na pong magsasalita. Wala na pong magsasabi ng ating istorya. Baka ang HBO na ang magsalita ng ating istorya, ng ating kasaysayan. Kawawa naman po tayo.
“Tangkilikin po natin ang ating pelikula. Malaki po ang maitutulong ng ating mga manunulat, ang PMPC para sabihin sa ating mga manonood na panoorin ang pelikulang Pilipino. Baka mawalan na tayong lahat ng trabaho ‘pag walang nanood nito.”
Samantala, apat na oras inabot ang awards night.
Na-wow mali rin si Gelli de Belen dahil napagkamalan niyang si Assunta de Rossi ang binati niya sa audience. Kinorek siya ni Iza Calzado na si Sanya Lopez ‘yun.
Mapapanood ang kabuuan ng pagtatanghal sa ABS-CBN’s “Sunday’s Best” sa ika-16 ng Hunyo, 2019.