SI Andi Eigenmann ang isa mainit na pinag-uusapan sa ngayon dahil sa isyu nito kay Jake Ejercito.

Noong nakaraang linggo kasi ay nagpa-survey kami sa radio progam naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH kung sino ang type nilang gumanap na Valen­tina sa Darna sakaling isasa­pelikula na ito ng Star Cinema.

Karamihang text na natanggap namin ay si Andi ang nababagay sa naturang role.

Bagay na bagay raw sa Kapamilya young actress ang naturang role dahil sa matapang at strong na personalidad nito.

Maganda raw kung si Andi ang mapiling Valen­tina dahil nagampanan din ito ng tiyahin niyang si Cherie Gil (Darna Ang Pagbabalik, 1994).

May narinig kaming si Iza Calzado ang posibleng gaganap pero wala pa silang sagot tungkol dito.

Pati si Sarah Lahbati ay napapag-usapan ding mag-Valentina pero nagulat din siya sa kuwentong iyun.

“Honestly, I have no idea. I have no confirmation from my boss or from Viva management.

“Kung matuloy man, of course I would love to play a villain. I would love to play Valentina. Sana,” sagot ni Sarah, na nagsulat ng librong True Beauty: How To Glam Your Life Inside And Out (P295 ang halaga, available sa Natio­nal Book Stores at Powerbooks branches).

Pawang haka-haka pa lang ito dahil wala pa ring inilabas na announcement ang Star Ci­nema.

May ilang nakatsikahan kaming kampo ni Direk Erik Matti, hindi pa nila masabi kung kailan nila ito masisimulan.

Ginagawa pa ni direk Erik ang Buy Bust ni Anne Curtis sa Viva Films, at sisimulan din niya ang pelikula sa Regal Films na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

One Response