Sarah kinainggitan

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang live chat,muling nagkasama ang dating magka-love team na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin para i-promote ang isang pelikulang kanilang ginawa noong 2005 na napanood ng libre via live streaming.

Nag-throwback sila sa panahon nang magkakilala sila mula Click hanggang maging official loveteam bilang ChardGel.

Sobrang bilib si Angel sa naging transformation ni Richard mula sa walang muwang na bagets hanggang sa isang responsableng family man at asawa ngayon.

Aniya, saludo raw siya sa ginawa nitong pagpapakasal kay Sarah Lahbati kahit nagkaroon pa ito noon ng aberya dahil sa coronavirus pandemic .Pero sa huli,dahil sa kanyang pagmamahal sa life partner ay nagawa pa ring ituloy ang kasal kahit sa simpleng paraan.

Hirit pa niya, nakyukyutan daw siya sa dalawang anak nito sa wifey .Wish din niya na magkaroon sila ng fiance na si Neil Arce ng ganoong ka-cute na kids otherwise lagot daw sa kanya ang businessman boyfie.

Mistulang nainggit siya sa masayang pamilya nina Chard at Sarah kapiling ang mga anak.

Dagdag pa niya,malaking bahagi rin daw si Richard ng relasyon nila ng fiance dahil kaibigan ito ni Neil.

Naurirat naman ni Richard si Gel tungkol sa wedding nito pero hindi nagbigay ng maraming detalye ang aktres.

Para sa kanya, parang hindi raw akmang panahon ang pandemic para pag-usapan ang kasal.

Gayunpaman, looking forward si Richard na dapat ay imbitado siya at may mahalagang papel sa kasal ng kanyang favorite love team partner.

Wish din ng ChardGel na muling magkasama sa isang proyekto para sa kanilang mga fan.