Sarah kinuha sa Europe ang wedding dress

Sarah kinuha sa Europe ang wedding dress

Naghahanda na ang aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang nalalapit na kasal. Lumabas pa siya ng bansa para lang kunin ang kanyang wedding dress sa Europe.

Ang kasal niya sa long-time partner na si Richard Gutierrez ay nakatakdang ganapin sa susunod na taon.

Ibinahagi niya ang balita sa kanyang Instagram. Labis umano siyang nalulumbay na iiwan nang panandalian ang mga anak na sina Kai at Zion.

Aniya sa Instagram, “Left for Europe to pick up my wedding dress for a few days without my boys! I’ll be gone for only more than a week but this will feel like a year to me.

“Thank God for FaceTime! I’m gonna miss you all so much.”

Kamakailan ay inanunsyo nila ang kasal sa noontime variety show na “ASAP Natin ‘To”. Matagal na sanang mag-iisang dibdib ang dalawa subalit nagdalang-tao si Sarah sa bunsong anak na si Kai kaya’t ipinagpaliban muna ito.

Sa darating na March, 2020 ay magiging opisyal na “Gutierrez” ang aktres. (Rona Ronda)