KAHAPON (April 29) ang 4th birthday ni ­Zion Gutierrez, ang super cutie pie son ­nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Kuwento ni Sarah, bitin pero sobrang saya ng bakasyon nila recently sa Switzerland na birthplace ni Zion.

Masaya dahil may isip na si ­Zion at na-enjoy na nito ang biyahe nila. Nandu’n ang parents ni Sarah at ­dumating din ang parents ni Chard kaya ang nice ng feeling na bonded silang lahat doon.

Most memorable for Sarah ‘yung ­tinuruan niyang mag-ski si Zion sa Zermatt na sobrang gandang lugar.

Nag-dinner din sila nina Chard at Zion with Tito Eddie Gutierrez, Tita Annabelle Rama, her parents at isinama niya roon ang 3 best friends niya.

Ang sabi sa amin ng gandara at seksi-seksihang si Sarah, kung siya ang masusunod ay gusto na niyang magkaroon ulit ng baby after Zion.

But not soon dahil mas priority nila ang pag-aalaga kay Zion at ang pagtatrabaho ulit.

‘Pag sinabay niya lahat ay mababaliw siya, so one at a time lang.

Ito kasi ‘yung time na lahat ng ituro nila kay Zion ay mabilis nitong napipik-ap kaya very crucial ang edad nito ngayon.

Pagdating sa pagpapakasal nila ni Chard, ang sabi ni Sarah ay darating din ‘yon.

Siyempre, gusto niyang maikasal para kay ­Zion, para sa kanila ni Chard at para na rin sa mga ­magulang nila.

Napag-uusapan na nila ito ni Chard, pero ani Sarah, “Ang lagay namang ako ang mag-propose?” sabay tawa.

Sa edad niyang 23-anyos, feeling ni ­Sarah ay ready na siyang magpakasal.

Kaya lang, sa ngayon ay medyo busy pa sila at tutok sila kay Zion.

Kaya nag-break ­muna si Sarah sa ASAP ­dahil nawawalan siya ng panahon kay Zion ‘pag Sunday.

May ginawang ­indie film si Sarah with ­Direk Erik Matti & ­Direk ­Katski Flores under ­Reality Entertainment & Viva Films.

Puring-puri ni ­Sarah si Direk Katski sa ­ginawa niyang indie horror na Ang Pagsanib Kay ­Leah dela Cruz.

Female cop na sobrang dark ang pagkatao ang role dito ni Sarah.

Aniya, ito ang pinaka-­proud siyang project na ginawa niya sa buong buhay niya in terms of acting.

Sobrang excited siya sa showing nito baka by June. Iba ang connection niya with Direk Katski.

Sobra siyang na-inspire na kinalimutan ­niya ang pagiging Sarah ­niya at bumigay siya nang buong-buo sa karakter ni Leah.

Nang mapanood niya ang trailer nito ay nagulat siya sa napanood niya dahil ibang-iba siya rito. Wala rin siyang leading man dito.

Tapos na rin ni ­Sarah ang Kamandag ng ­Droga ni Direk Carlo J. Caparas kaya lang ay namayapa ang maybahay nitong si Tita Donna Villa kaya hindi nila alam kung ano nang mangyayari sa pelikulang ito.

Ang libro ni Sarah na True Beauty: How To Glam Your Life ­Inside And Out ay avai­lable sa National Book Store at Powerbooks sa ­halagang P295.