tonite-pak-allan-diones

Next weekend na ang first ABS-CBN Ball (da­ting Star Magic Ball) na dadaluhan ng Kapamilya stars suot ang kanilang most glamo­rous outfits.

Sa September 29 ito sa Makati Shangri-La Hotel at ilan sa inaasahang darating ay sina Judy Ann Santos, Vice Ganda at Sharon Cuneta, na hindi nakikita sa nasabing event the pre­vious years dahil hindi sila talents ng Star Magic.

Si Sharon ay sigurado nang imbitado sa Ball this year matapos siyang emote last time na hindi man lang siya naalalang imbitahin.

Si Anne Curtis ay darating din daw, pati na si Coco Martin. Mukhang mas maraming A-List stars ang inaasahan this year dahil hindi na nga ito exclusive event ng Star Magic kundi isa nang charity ball ng Kapamilya network.

Expected din ang pagrampa sa red carpet ng famous loveteams na KathNiel, LizQuen, JoshLia at JaDine.

Ang Cebu designer na si Jun Escario ang gagawa ng gown ni Kathryn Bernardo, na base sa pahulaang pasilip ng Star Magic sa Instagram ay matching black ang isusuot nila ni Daniel Padilla sa gabing ‘yon.

Ang JaDine ay nakipag-meet sa Dubai-based Pinoy designer na si Michael Cinco, na tinawag na beautiful pair ang dalawa.

Sinukatan ni Michael si James Reid para sa gagawin nitong suit. So nice and humble ang comment ni Cinco about James.

Si Nadine Lustre ay isa pang Dubai-based Filipino designer ang gagawa ng gown, si Furne One Amato.

Si Matteo Guidicelli ay inimbita ang nobyang si Sarah Geronimo para maging date nito sa Ball. First time nilang dadalo sa isang big showbiz event na katulad nito, kaya tiyak na maraming mag-aabang sa AshMatt that night.

Si Bea Alonzo ay palaging kabogera sa mga nakaraang SMB. So, inaabangan din ang pasabog na outfit ni Bea this year, na siyempre ay kasama ang escort na si Gerald Anderson.

For the benefit of Bantay Bata 163 at ng re-launching ng Children’s Village nito sa Norzagaray, Bulacan ang first ABS-CBN Ball.

Bukod sa mga artista ay imbitado rin sa party ang mga showbiz ma­nager na miyembro ng PAMI.

Ang dinig namin, mahigpit ang bilin sa mga taga-media na magko-cover ng event na bawal kumuha ng anumang video sa red carpet.

Audio recording lang daw ang puwede. As in lahat ng videos ay exclusive sa ABS-CBN. Taruzsh!!

Lani ‘di itinuring na anak sa labas si Luigi

Lalong bumilib kay Ms. Lani Mercado-Revilla ang entertainment press dahil sa kuwento ni Luigi Revilla kung paano siya tinanggap ng maybahay ni Senator Bong Revilla.

Alam ng lahat na anak ni Sen. Bong si Luigi sa ibang babae, pero hindi na iba ang turing dito ni Ms. Lani at maging ang half-siblings nito ay naging very close na rin kay Luigi.

“When I first went to Alabang (house nina Bong-Lani and family), parang never kong na-feel na I wasn’t welcome. From day one talaga…

“I’m sure kasi, kahit paano, masakit ‘yon para kay Tita Lani. You can’t deny na siyempre, may anak si Papa sa labas.

“Pero grabe, bilib ako sa pag-handle niya ng situation dahil she never made me feel na I was out of place. Especially when I visit, siya pa ‘yung nagpapakain sa akin.

“I love Tita Lani. I see her as my se­cond mom. And my mom and her are okay also, and I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted me to the family and ngayon sobrang close kami,” masayang bulalas ni Luigi, na bida sa action trilogy movie na ‘Tres’ with his brothers Bryan and Jolo Revilla.

Una raw nakilala ni Luigi sina Jolo sa wake ng lola nila. That time ay sobrang warm na agad ng pagwelkam sa kanya ng mga ito. Bata pa sila noon at matagal silang hindi nagkita after that.

Ang sunod nilang pagkikita ay sa Boracay. At mula noon, pagbalik nila ng Manila, every Sunday ay nagkikita na sila.

Thankful si Luigi sa Boracay trip na ‘yon dahil doon sila talaga nagsimulang maging close. Mula noon, ang trato sa kanya nina Bryan ay hindi half-brother kundi tunay na kapatid.

Kung ipakilala raw siya ng mga ito kahit kanino ay kapatid talaga. Kaya feeling blessed si Luigi na tinanggap siya ng mga ito.

Nag-asawa ang 26-anyos na si Luigi 2 years ago. Aniya, pati ang wife niya at si Ms. Lani ay medyo close na rin at minsan ay nagbibigayan pa ng regalo ang mga ito. As in sobrang bait daw ni Ms. Lani sa misis niya at pati na sa mga kaibigan niya.

Actually, natutuwa kami ‘pag nakikita namin si Luigi and his family na dumadalaw kay Sen. Bong sa Camp Crame dahil larawan sila ng one big, happy, blended, modern family.

Kaya ngayon, maging si Mayora Lani ay aligaga sa promo ng ‘Tres’ na sa October 3 na magpapasabog ng aksyon sa mga sinehan.