Sarah-Matteo pinagdududahang kasal na

MAY mga ibinibigay na dahilan ang mga nagdududang nagpakasal na nang lihim sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Una, alam na alam naman ng buong mundo kung gaano kahigpit ang mga magulang ng magaling na singer-actress, lalo na ang kanyang Mommy Divine.

Hindi nawawala ang mga mata ng ina ni Sarah sa kanya, palaging bantay-Jaworski si Mommy Divine kay Sarah, pero bakit pinababayaan na nitong bumiyahe ang kanyang anak na si Matteo lang ang kasama?

Ilang beses nang nangingibang-bansa ang magkarelasyon nang sila lang ang magkasama, walang kahit sino mula sa partido ng singer-actress, lalong wala mula sa kampo ng aktor.

Hindi dapat ikagalit nina Matteo at Sarah kung pinagdududahan man sila ngayon, napakalayo kasi sa kinagisnang kahigpitan ni Mommy Divine ang ginagawa nila ngayon, huwag din silang maiinis kung may mga nagpapalagay man na meron nang nangyari sa pagitan nila.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Alangan namang magtitigan lang sila habang magkasama? Nagmamahalan sila, nagsasalita ang mga puso nila, kaya huwag namang sabihin na kapag magkasama na sila sa hotel room, e, nagdya-jack en poy lang sila?

“So, wala talagang choice ang mga tao kundi ang mag-isip na secretly married na nga sila! Papayagan ba naman si Sarah ng parents niya na mag-abroad nang hindi sila kasama?

“Hindi na itinatanong ‘yun, given na, hindi naman santo si Matteo, tao lang siya, mapusok at marupok!” komento ni prop.

PBA player umiwas sa dyowang beki tv host

ANG sapatos ng sikat na PBA player, bow! ‘Yun ang naging tutok ng kuwentuhan isang gabi ng magkakaibigang becki.

Alam na alam kasi nila na nagkaroon ng relasyon ang kaibigan nilang kilalang TV host at ang sikat na dribolero.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Pero linawin natin, ha? Nangyari ‘yun nu’ng hindi pa sikat ang basketball player! Nag-uumpisa pa lang siyang makilala nu’n, maliit pa ang suweldo niya sa kanilang team, kaya kapos pa siya sa pambili ng mga needs niya sa paglalaro.

“Naging sila ng becki TV host, alam n’yo naman ang taong ‘yun, supportive siya sa mahal niya, hindi niya ipatatalo, kaya buy siya nang buy ng mga branded na shoes para sa guy!

“Hanggang sa sumikat na nga ang shooter, naging pambato na siyang player ng team nila, malaki na ang sinusuweldo niya, kaya can afford na siya!

“Du’n na natapos ang relasyon nila, umiwas na si player kay becki TV host, wala na silang communication, as in, nawalan na ng time ang player sa once upon a time, e, naging benefactor niya!” pag-alala ng aming impormante.

Napakadaling hulaan kung sino ang sikat na basketbolista, ‘yun, ang dali-dali!

Female personality buking na di ginagamit ang ini-endorse na shampoo

MARAMING artistang nag-eendorso ng iba-ibang produkto pero hindi naman nila ‘yun ginagamit. Ipinakikita sila sa TVC sa kani-kanyang atake, puring-puri nila ang produktong ibinebenta nila, pero alam naman nila sa kanilang sarili na hindi ang brand na ‘yun ang ginagamit nila.

Komento ng aming source, “’Yung isang female personality na ipinakikitang napakaganda ng mahabang hair dahil sa shampoo endorsement niya, naku, nakita kaya siya nu’ng minsan ng mga friends namin na ibang brand naman ang ginagamit niya!

“Imported shampoo, pangyayamanin, hindi ang ipinakikita niya sa commercial na mas nagpapakintab at nagpapalusog kuno ng buhok niya!
“Mag-iingat kasi, huwag iiwanan ang ginagamit na shampoo sa hotel room.

Nabuking tuloy na iba naman ang sinusuportahan niyang brand!
“Nasaan na ang truth in advertising kapag ganu’n? Stop me (read: tigilan ako)!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

(30)