Sarah nagtampo kay Matteo

Walang problema sa pagitan nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo kahit na-hurt si Regine sa mga sinabi ng ilang fans ni Sarah laban sa kapatid at manager ni Reg na si Cacai Mitra.

Nagreak si Songbird at hindi napigilang ipagtanggol ang sister niya nang akusahan ito ng credit grabbing ng ilang Popsters dahil hindi nito tinag si Sarah nang i-announce nito sa Twitter na almost soldout na ang Valentine concert nila.

Na-disappoint si Regine dahil never niya raw na-experience ang ganu’n sa dami ng artists na nakatrabaho at naka-collaborate niya, so may linya siyang, “You guys are breaking my heart”.

Walang bakas ng anumang isyu sa pagitan ng dalawa nang dumalo si Sarah kasama ang fiancé nitong si Matteo Guidicelli sa pa-surprise ni Ogie Alcasid para sa 9th wedding anniversary nila ni Reg nu’ng Sunday, December 22.

Si Ogie ang nag-imbita ng close friends nilang mag-asawa na hindi alam ng misis nito. Sweet couple ang AshMatt nang makita namin sa CWC Interiors sa BGC.

Okey na okey sina Regine at Sarah. Sa mga harsh fans kasi may isyu si Songbird at hindi sa idolo ng mga ito.

Earlier that Sunday ay magkasama pa sila sa “ASAP Natin ‘To” at ang cute nu’ng tinuturuan ni SG si RV ng dance steps ng hit song niyang “Tala” na sinasayaw ng marami.

Doon sa party ay tuwang-tuwa sina Regine at Ogie sa AshMatt, na hindi talaga pumayag si Ogie na hindi kumanta si Matt at hindi mag-duet ang mag-sweetheart.

Cute ‘yung tampuhan kuning ng dalawa that night dahil natapakan daw ni Matty si Sarah at nasaktan daw ‘yung paa nito.

“I love you, love!” swit-switang sey ni Matt sa mic, na sinagot naman ni Sarah ng, “Love you too!” kaya kilig-kiligan ang host na si Ogie.

Chika ni Matt, nagalit sa kanya si Sarah at hindi ito nakipag-cheers sa kanya ng wine. Kinantiyawan tuloy sila ni Ogie na sa cheers lang ay nag-away na ang dalawa.

“Kahit hindi niya i-cheers ako, mahal ko pa rin siya,” sey ni Matty.

Love at mahal ang tawagan ng AshMatt.

“‘Pag nag-aaway, anong tawagan n’yo?” sundot ni Ogs.

“Love pa rin,” nakangiting sagot ni Matteo, na ikinangiti rin ng fiancée niya.

Nag-duet sina Matt at Ogie ng request ni Sarah na “Kailangan Kita” at pagkatapos ay nag-duet din ang AshMatt ng “Destiny” ni Jim Brickman.

After their duet ay may mga nag-request ng kiss at sabi ni Matty, “Kiss daw, love,” pero ngumiti lang ang na-shy na si Sarah.

Regine, Juday, Shawie kaaliw ang tsikahan

Kumpleto ang pamilya ni Sharon Cuneta sa pa-surprise ni Ogie kay Regine para sa kanilang 9th anniversary as a couple.

Ka-join ni Ms. Shawie ang mister nitong si Kiko at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel na ang babait at magagalang.

Sobrang love ni Sharon si Regine lalo na after nilang magsama sa “Iconic” concert, na recently lang ay nanalo ng best collab sa Aliw Awards.

Touched si Songbird sa pagdating ni Mega, na sayang at hindi na umabot sa kantahan portion dahil kailangan pa nitong sumegue sa burol ng sister ni Agot Isidro na si Tina Isidro-Isorena sa Marikina.

Natuwa rin si Reg sa pagdating ni Judy Ann Santos fresh from the 6-hour MMFF parade. Kasama ni Juday si Iza Calzado, na pumarada rin ng anim na oras kaya nag-freshen up daw muna sila bago pumarty.

Nakakaaliw ‘yung chikahan ng tatlong reyna na sina Sharon, Regine at Juday na ang lalakas ng tawanan nila. Maya-maya ay nag-join din sa kanila si Sarah, so naging four queens in one frame!

Ang saya nu’ng gabing ‘yon, na pinaka-happy si Regine dahil feeling daw niya ay birthday at binigyan pa siya ng gifts ng friends nilang mag-asawa.

PAK!!