Sarah nainggit sa kasal ni Rachelle Anne?

NU’NG Miyerkoles, April 18, ginanap ang kasal ni Rachelle Ann Go at hindi kahapon.

Sa Alon Garden ng Shangri-La’s Boracay Resort & Spa kung saan din kinasal sina Maxene Maga­lona at Robby Mananquil nu’ng January ang venue ng Spies-Go wedding.

Gawa ng designer brother­ niyang si Oz Go ang sheer and lace wedding gown ng 31-anyos na si Rachelle Ann nang ikasal siya sa 30-anyos niyang American fiancé na si Martin Spies.

Ang ganda ng shots ng newlyweds by the beach habang suma-sunset.

Sa Indigo at Discovery Shores ginanap ang reception. Doon din naka-stay ang newlyweds pati na ang kanilang family and friends.

Dumating dito sa ‘Pinas ang pamilya at malalapit na kaibigan ng taga-New York na si Martin.

Ninang sa kasal si Regine Velasquez-Alcasid at ninong sina Bobby Garcia ng Atlantis Productions at Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment na manager ng bride.

Bridesmaid ang beshie ni Shin (palayaw ni Rachelle Ann) na si Sarah Geronimo.

Present din ang close friends ni Shin na sina Mark Bautista, Erik Santos at Jimi Marquez.

Dumalo rin sa kasal si Kyla Alvarez at si Moira dela Torre with boyfie Jason Hernandez.

Kumanta sa reception si Regine at saka si Moira. Nag-slow dance si Shin at ang daddy niya habang ina­awit ni Regine ang You ng The Carpenters.

Ang cute ng first dance ng bagong kasal. Ang tangkad ng hunky hubby ni Shin, so hanggang balikat lang siya nito.

Panay ang tawa ng kilig-kiligang bride habang binubulungan siya ng guwaping niyang mister while they were dancing.

May impromptu song number sina Sarah, Kyla, Erik, Mark at Jimi ng You’ve Got a Friend for the newlywed.

Wala ang isa pa nilang friend at co-champion na si Christian Bautista, na ex-BF ni Shin. Habang nagaganap ang kasal ay ka-bonding ni Christian sa isang indoor playground ang kanyang inaanak na little girl.

Hindi kasama ni Sarah sa wedding ang kanyang boyfie na si Matteo Guidicelli.

Malamang nainggit ang 29-anyos na si Sarah na ikinasal at may asawa na ang kanyang BFF na si Shin.

Sa concert niya last week­end­ sa Araneta Coliseum­, nang kantahin ni Sarah ang Leaving on a Jet Plane, ang lyrics ay ginawa niyang, When I come back, I’ll wear your wedding ring.

Ang tamis ng ngiti ni Sa­rah pag-awit niya sa linyang ‘yon at kumindat pa siya. Tapos ay natawa siya at nag-pause muna bago niya itinuloy ang kanta.

Tilian ang fans sa pakilig moment na ‘yon ni Sarah, na parang inaawit niya ‘yon para sa nobyo niyang si Matteo.

Congrats and best wishes to Mr. & Mrs. Spies!!

Epekto ng video scandal, Mark gustong gawan ng kaelya-elyang pelikula

NATAWA lang si Mark Herras nang sabihin namin sa kanya na hindi naman negative ang epekto sa kanya ng scandal video niya dahil ang daming bading na natuwa at lalong nagnasa sa kanya.

Hirit sa kanya ni Tito Gorgy Rula, merong gusto na igawa si Mark ng movie after mapanood ang pinag-uusapang video niya.

“Anong movie ‘yan? Ha! Ha! Ha!” natatawang reaksyon ni Mark.

Gusto siyang igawa ng pelikula na sensuwal ang dating. Ready ba siyang magpaka-daring sa movie, if ever?

“Tingnan natin. Kasi, may bago akong role na ginagawa sa The Cure, eh. Kontrabida ako, so huwag na muna tayong mapunta sa ibang klaseng ano,” natatawa pa ring sey ni Mark.

Sa TV ‘yon. Pelikula naman ito, eh,

“Let’s see, let’s see.”

Handa ba siya roon kung sakali?

“Hindi ko alam. Magpapaalam ako kay Wyn (Winwyn Marquez, girlfriend niya)!” sagot ni Mark, sabay tawa na naman.

Parang hindi niya alam ang irereak niya dahil hindi naman daw niya naiisip na gagawa siya ng gano’n.

Enjoy ang 31-anyos na si Mark na kontrabida siya sa bagong Kapuso series na The Cure dahil matagal na raw niyang gustong gumawa ng ganu’ng role.

Sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez ang bida sa nasabing action-suspense-drama na magsisimula sa April 30 sa GMA Telebabad.