Sarah nalaos kay Kim, Tala sapaw sa Bawal Lumabas

Natalbugan na ang dance craze na ‘Tala ‘ ni Sarah Geronimo. Kung ito ang in bago nagkaroon ng krisis sa COVID-19 ngayon ay panis na.

Viral at nag-hit ang kanta ni Kim Chiu na ‘Bawal Lumabas’. Iba’t ibang version din ang mapapanood sa TikTok pag ito’y sinasayaw.

Naging source din ito ng kasiyahan , tawanan at pagkawala ng bagot sa quarantine.

Balita rin na mahigit 10M ang views nito sa loob lamang ng isang araw sa lahat ng social media platforms.

Ang ‘Bawal Lumabas’ ay base sa pinaglarauan ng mga netizen pagkatapos magsalita ni Kim sa ‘Laban Kapamilya’ . Ito’y protesta sa pagkakasara ng ABS-CBN 2.

Instead na mapikon si Kim, sinakyan niya at sumabay siya sa trending kaya kumita na siya , nagkaroon pa ng hit song na sinasayaw ngayon.