Sarah napangiwi sa 16 anak kay Matteo

tonite-pak-allan-diones

Aliw ang reaksyon nina Sarah Geroni­mo at Anne Curtis sa pabirong sagot nina Matteo Guidicelli at Erwan Heussaff. Ito’y tungkol kung ilang anak ang gusto nila.

Doon sa birthday party ng daughter nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. na si Scarlet Snow ay tinanong si Matteo ng dati niyang manager na si Jojie Dingcong kung ilan ang gusto niyang maging anak.

Ang kausap ni Matteo na si Erwan ang sumagot ng “16!” na ikinatawa ni Matty. Nu’ng si Erwan naman ang tinanong ni Jojie ay “24!” ang mabilis na sagot ng hubby ni Anne.

Hiningan ng reaksyon ni Jojie si Sarah, na napangiwi kunwari sa sagot ni Matteo. Napa-“Ha?!” naman si Anne sa ki­yemeng sagot ni Erwan.

May nakita kaming video ni Sarah na hinahawakan nito at obvious nakyukyutan ito sa anak ni Cristalle Belo-Pitt na si Hunter.

Sinabihan ni Jojie si Sarah na one day ay magkakaanak din ito. Naka­ngiting tumango si Sarah at ang sabi, sana raw ay ganu’n din kaguwapo sa tisoy na bagets ang maging anak niya.

Tuwang-tuwa rin si Sarah sa birthday girl na si Scarlet. Mukhang mahilig sa bata si Sarah at parang ang cute imadyinin ng itsura niya ‘pag siya na ang may sariling baby na karga-karga niya.

Parehong endorsers ng Swatch sina Matteo at Anne kaya chummy-chummy rin ang mga partner nila. Ang sayang pagmasdan nina Matty at Erwan na nagba-bonding habang chika rin sina Sa­rah at Anne.

Wala pang baby sina Anne & Erwan na ikinasal nu’ng November 2017. Ang ganda siguro ng magiging anak nila, na pinagsamang Fil-Aussie at Fil-French.

Hindi pa engaged ang mag-sweetheart na Sarah & Matteo pero mukhang sa kasalan na ang punta ng dalawa.

Tiyak na maganda rin ang magiging produkto ng AshMatt na pure Pinay at Fil-Italian. Nakaka-excite! Haha!

Dyowa ni Jay R nakipaglaplapan sa kapwa babae

Suportado ni Jay R ang pagiging mapangahas ng fiancée niyang si Mica Javier sa “Here She Comes” episode ng erotic-drama anthology series na “Hush” sa iWant.

Kuwento sa amin ni Mica, na-excite si Jay R for her. Hindi na raw niya kinailangan pang magpaalam dito dahil may kanya-kanya silang career. Sinabi lang niya na may ganito siyang project na lesbian ang role niya.

Streaming na ito nga­yon sa iWant, so pinanood nila together ang nasabing “Hush” episode. Medyo awkward, sabi ni Mica at ninerbiyos siya dahil first time siyang makikita ni Jay R na nakikipag-intimate scenes sa kapwa niya babae.

Nagulat nang slight si Jay R pero nakita raw nito na tastefully done ang mga eksena, so sinabi nito kay Mica na she did a really good job.

Excited na tinanggap ng morenang singer-model at GirlTrends member ang role dahil edgy ito at bago ito for her. At proud siya na nairaos niya ang challenging na character niya rito.

Hindi umarte si Mica sa girl-to-girl kissing dahil sa first music video pala nila ni Jay R together na “Tonight” ay nakipag-kiss siya sa isang girl.

Mas matindi ang ginawa niya sa “Here She Comes,” pero close daw kasi siya kay Mara Lopez na kapareha niya rito at kay Gino Santos na direktor nila, so naging komportable siya working with the two.

Bukod sa kissing scenes ay may passionate love scenes din sina Mica at Mara, pero wala naman daw ipinakitang malaswa. Conscious pa rin daw si Mica sa image niya at inalagaan naman siya ng Indigital Productions ng iWant.

Intense na sensual ang intimate scenes, pero hindi raw mahalay. Wala ring tongue involved sa halikan, hindi gaya sa laplapan at dilaan sa “Glorious.”

Ang sabi sa amin ng 32-anyos na si Mica, nu’ng bata pa siya ay nag-aral siya all-girls school at may nagkainteres sa kanya na kapuwa niya girl. Pero never daw siyang na-attract sa same sex.

Next year ang wedding nina Mica at JayR, na ma­lamang daw sa Boracay na paborito nilang lugar.

Gusto ni Mica ay outdoor at chill, parang relas­yon nila ni Jay R na chill lang, simple and full of love.

Very chill din daw siya na bride pero very hands on. May vision na siya ng gusto niyang mangyari sa kasal, medyo busy lang siya ngayon so hindi pa niya ito natututukan.

Ilang anak ang gusto nila ni Jay R?

“Kung ilan ‘yung ibibigay ni God. Ako, okey na ako sa dalawa. We’ll see!” nakangiting sey ni Mica.

Puwedeng i-stream ang for adult audience na “Hush” (from 11PM to 6AM only everyday) sa iWant.

Napapanood din si Mica sa “Los Bastardos” bilang kapareha ng isa sa mga bastardo na si Josh Colet sa Kapamily­a Gold.