Sarah, nasa edad na para gumawa ng bata

Matteo Guidicelli

TUMODO sa promo ang teleseryeng Till I Met You.

Grabe sa dami ng tao ang Trinoma noong weekend para sa CD launch at Special Preview.

Ang sipag ng JaDine mag-promote ng kanilang bagong teleserye at hanggang Showtime kahapon ay nandu’n sila at napaka-game na nag-Pak Ganern Challenge.

Cool si James at walang arte si Nadine.

Sana, ganu’n lahat ng loveteams sa challenges.

***

Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

Eh ano kung nahu­ling nakaakbay at nagde-date sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Magkarelasyon sila at nasa edad na sila.

Sobrang nasanay lang siguro tayo na pa-sweet at pa-demure si Sarah pero kahit fans niya ay nag-mature na rin.

Hindi na bata si ­Sarah.

Sabi nga ng isang showbiz observer, nasa edad na si Sarah na gumawa ng bata.

Sa tamang panahon.

***

Napakaganda ng bahay ni Matteo na na-feature sa Star Studio ma­gazine.

Maganda ang taste at fit for royalty ang bahay nila sa Alabang with matching brick oven na in-install para mag-bake ng authentic Italian pizza.

Ipinakita rin ang business ni Matteo sa Cebu na restaurant niyang Trattoria da Gianni sa Crossroads, Banilad.

***

Toni-Gonzaga
Toni-Gonzaga

Mukhang inihabol talaga ang bagong JaDine co­ver para sa Star Studio.

Nasapawan tuloy ang baby shower ni Toni Gonzaga.

Naisip siguro ng mga taga-magazine na mas bebenta sila kung JaDine ang nasa pabalat kaysa sa picture ni Toni na una nang nakita sa social media.

***

Tuloy ang mga kapana-panabik na kaganapan sa telefantasyang Magkaibang Mundo ng GMA 7.

Umaasam si Pepay (Louise de los Reyes) na lumutang ang katotoha­nan at mapawalang-sala ang ina niyang si Amanda (Assunta de Rossi).

Ipinabugbog naman ni Noreen (Gina Alajar) si Amanda sa kulungan.