Sarah pang-esmi na ang endorsement

NI: ROLDAN CASTRO

May natutunan si Sarah Geronimo sa kanyang pag-aasawa, ito ang pagiging matalino at metikulosa sa mga bagay na kanyang tinatangkilik at binibili.

Aniya, importante raw sa kanya ang kalidad ng isang produkto kaya naman tinanggap niya na maging ambassador ng Hanabishi Philippines .

Sa panahon ng quarantine, marami raw siyang natutunan tulad ng pagluluto sa kanyang mister na si Matteo Guidicelli .

“Nagpapasalamat ako sa bago kong kapamilya. Alam naman ng pamilyang Pilipino na ang Hanabishi ay isa sa pinagkakatiwalaang brand of appliances dito sa atin. Ang mga kailangan natin upang mapasaya ang ating buhay habang tayo ay naka-quarantine,”lahad niya.
Pinapayuhan din niya ang lahat na gamitin ang lockdown para maging kapaki-pakinabang na pagkakataon para makapag-bonding sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Tulungan po natin ang ating mga frontliner at ating gobyerno ngayong mga panahong ito na tayo ay nahaharap sa pagsubok. Sa halip na nakatuon tayo sa mga negatibong bagay, gumawa po tayo ng paraan upang lalong mas mapaganda ang ating buhay sa loob ng ating mga tahanan,”aniya.

Para sa ibang detalye bumisita www.myhanabishi.com