Sarah at Richard, sobrang SWEET sa Davao

Galing sa Davao City ang mag-lovey-dovey na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Nope! Hindi si President Rodrigo Duterte ang pinuntahan nina Richard at Sarah doon, kasama si Annabelle Rama.

Bale ang official contract signing para sa endorsement nila ng D’Leonor Inland Resort and Adventure Park ang ipinunta nila sa lugar ni Pres. Digong.

Nag-pictorial na sila para roon at siyempre, nag-enjoy sila sa nasabing lugar, pati na rin sa pamamasyal sa Davao City.

Sabi ni Richard nang makatsikahan namin, ang latest endorsement nila ni Sarah ang dahilan kaya mapapadalas sila sa lugar na ‘yon.

Hilig nila ang pamamasyal sa ganoong lugar, kaya tamang-tama lang ang pag-i-endorse nila sa D’Leonor Inland Resort and Adventure Park.

Sobrang sweet nina Richard at Sarah during their Davao stay.

“Hot date” ang tawag ni Richard sa nanay ng anak niyang si Zion nang mag-post sila ng picture nila during their recent contract signing.

***

MARAMING mga ka­kilala namin ang nakakuha na ng tickets para sa Miss Universe pageant sa Enero 30, 2017.

‘Yung iba, ‘yon ang panregalo sa mga kakilala na sobra ang hilig sa pa­nonood ng mga beaucon (beauty contest).

Ang iba na nahihirapang maghanap ng tickets, magtitiyaga na lang na panoorin ang Miss Universe live telecast sa GMA 7.

Primetime mapapanood ‘yon sa Amerika, kaya 8:00 AM ‘yon sa atin dito sa ‘Pinas.

***

Nora Aunor
Nora Aunor

Noranians are rejoicing!

Busy ang idolo nilang si Nora Aunor sa promo ng MMFF 2016 movie na Kabisera, at may product endorsement din ang Superstar, huh?!

Kamakailan ay nag-pictorial si Mama Guy para sa isang detergent powder.

Nangangahulugan daw na hindi pa laos si Mama Guy dahil may mga nagtitiwala pa sa Superstar, ‘noh?!

Pangako ng Noranians, panonoorin daw nila nang paulit-ulit ang Kabisera ni Mama Guy simula sa opening day nito sa Pasko para hindi mangulelat sa takilya.

Di ba, Albert Medina Sunga?