Vinia Vivar
Tuwang-tuwa na naman ang mga Popsters ni Sarah Geronimo dahil pagkatapos ng “Miss Granny” na ipalabas noong August last year ay muli na naman nilang mapapanood ang idolo sa big screen.
Nai-post na sa Instagram account ang story conference ng bagong movie ni Sarah G na ginanap last Wednesday na dinaluhan ng dalaga at iba pang cast.
Una naming nakita ang post ni Ara Mina na isa sa cast.
“It’s been a fruitful day fini-shing our look test, script reading and story con. I’m actually excited to be working with the multi-talented artist @justsarahgph and Ms. Gina Pareño for the very first time! Also happy working again with my girls @kimsmolina @megimperial and Ate @yayoaguila,” ang caption ni Ara sa mga larawang kuha sa storycon.
Aside from Sarah ay makikita sa larawan ang mga binanggit na artista ni Ara na kasama sa cast.
Nag-post din ang direktor na si Jun Robles Lana na siyang magdidirek ng film with partner, Percy Intalan.
“For the first time, @percinotpercy and I are co-directing a film starring no less than @justsarahgph and all these talented amazing women @megimperial @kimsmolina @yayoaguila @therealaramina and Ms. Gina Pareño. #unforgettable #ideafirst #vivafilms,” ang caption naman ni direk Jun.
Nag-post din si Meg Imperial sa kanyang IG Story at sa caption, aniya ay masaya siya na makakatrabaho niya ang mga love niyang tao sa industry with Sarah G.
Ang title ng pelikula ay “Unforgettable” at wala pang masyadong detalye about the film. Wala ring male cast na kasama sa story conference kaya marami ang nagtatanong kung sino ang leading man ni Sarah.
Nakatakda pa lang simulan ang pelikula at wala pa ring inaanunsyong playdate.
Andrea-Seth malakas ang hatak
Malakas ang love team nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin (SeahDrea) sa “Kadenang Ginto.”
Hindi kasama si Seth sa pelikulang pinagbibidahan nina Andrea, Bianca Umali at Miguel Tanfelix pero dahil nga ang daming kinikilig sa SeathDrea love team, tila hindi na sanay ang fans na hindi magkasama ang dalawa kahit bagong-bago pa lang ang love team nila.
Masaya ang young actress na maganda ang takbo ng kanyang career ngayon at sobrang thankful siya sa mga fan na sumusuporta sa kanya pati especially sa bagong tandem nila ni Seth.
Solenn diri sa male nude painting
Parehong magaling mag-paint ang magkaibang sina Solenn Heussaff at Heart Evangelista pero ayon sa una, magkaiba raw ang art nilang dalawa.
“Ibang style. Si Heart, very colorful, mas sa mga babae siya, very sentimental ‘yung kay Heart. Sa lahat ng pinagdadaanan niya, she paints a lot based on her emotions and on what she’s lived. ‘Yung first exhibit niya, medyo malungkot tingnan ‘yung mga girls, ganu’n.
Ngayon iba, mas sa fashion, may mga aso na, may mga ladies na nagkakape, ganu’n,” sey ni Solenn.
Ang art naman daw niya ay base sa Filipino people.
“Ako, mas gritty, I guess, medyo malungkot din, mas sad ‘yung colors ko, tapos based on Filipino people, based on Pinoys lang, ‘yung everyday life,” saad pa ng “Love You Two” actress.
When asked kung na-try na niya ang nude painting, sey niya ay dati pa, pero hindi raw niya type talaga especially kapag ang model ay mga lalaki. Hindi raw siya nagagandahang tingnan ang mga lalaking naka-nude at mas okay daw sa kanya ‘pag babae.
Sino ang gusto niyang i-paint nang nude among our female celebrities?
“Si Jen (Jennylyn Mercado) na lang,” aniya.
Magkasama si Jen at Solenn ngayon sa primetime series na “Love You Two” kabilang rin sina Gabby Concepcion at Shaira Diaz.
Na-try na ba niyang i-paint nang nude ang asawa niyang si Nico Bolzico?
“Yuck!” sambit ni Solenn. “Not naman yuck pero ayoko talagang i-paint ang boys.”
Jolina nasarapan maging nanay
Isang taon na pala ang bunsong anak nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na si Vika na parang carbon copy ng aktres. Binati ni Jolens ang anak sa kanyang Instagram account at ibinahagi kung gaano kasarap maging ina.
“Dear Vika, Ipinagdasal ka namin anak.. at ibinigay ka sa amin ni God at madami pa syang bonus na binigay. Dinagdagan mo ng kulay ang makulay na mundong binigay sa amin ni Kuya Pele. Pangako na mamahalin ka namin at aala-gaan habangbuhay.
“Magkaibang magkaiba kayo ni Kuya Pele kaya mas naging exciting ang buhay namin ni Papa mo. Napakasarap maging nanay!
“Happy 1st birthday my darling baby girl. We looooooove you soooo much! Love Mama,” ang caption ni Jolens sa picture ng youngest child.