Sarah wish magkabati sina Matteo, Mommy Divine

NI: ARCHIE LIAO

Good vibes ang gustong ipaabot ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa nagaganap na global pandemic.

Sa socmed account niya,naka-post ang picture niya kasama ang mga magulang niyang sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

May caption itong “Breaking News: Geronimo

Fam and Guidicelli Fam,nagkaayos na.”

Ang wishful thinking niya :”sana after nitong #CoVID19 . ayan ang isa good news na matatanggap natin popsters 😊♥️”

#TimeHealsAllWounds

Marami namang Popsters ang nagdarasal na sana matupad ang hiling ng kanilang idol.

Matatandaang bago pumutok ang COVID-19,naging kontrobersyal ang singer-actress dahil sa kanyang pagpapakasal kay Matteo na labag sa kagustuhan ng kanyang Mommy Divine.

Naging talk of the town din ito dahil sa umano’y pisikalan na naganap between Matteo and Sarah’s bodyguard.