Niyanig ng lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental at Pangasinan kahapon.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), magnitude 5.0 na lindol ang tumama sa Sarangani dakong alas-7:17 ng umaga, habang may lakas na 5.5 magnitude ang tumama sa Pangasinan alas-6:15 kagabi.

Parehong tectonic ang origin ng dalawang lindol.

Wala namang naiulat na nasira sa naganap na pag-alog at wala ring aftershocks.