Sarili mo ang magpapatalo — Regine

Dalawa sa dating singing contest winner mula sa ka-Siyete network, sina Gerald Santos at Aicelle Santos, ay kasaluku­yang umaariba sa Ms. Saigon kaya puwede nating sabihin na kainamang platform ang kanilang mga progra­mang kantahan.

Dahil nga rin sa mga contest na ganito, na­ging masyadong mahigpit ang kompetisyon sa singing field. Survival of the fittest talaga ang labanan. May formula ba para maging sikat?

Reaksyon ni Ai, “Yung pagiging sikat, yung pagiging star, naniniwala ako na bigay ng Diyos. Nasa sa iyo kung ii­ngatan mo ‘yun. Maraming factors, maraming ingredients para maging star at tumagal ang kinang. Importante siyempre ang galing, pakikisama, pagiging humble, pag-iisip, dasal, tamang panahon at suwerte.”

Aniya pa, “Kailangan rin mag-i-inovate, reinvention, hindi puwedeng stagnant ka na. Dapat mag-upgrade ka sa mga ginagawa mo. Hindi puwede na dahil sanay ka na sa isang bigay, hindi magri-risk. Dapat constant ang hunger mo to grow and learn.”

Naging iba rin ang concept ng stardom dahil nga sa social media. Ang opinyon ni Ms. Ai rito, “Nawala kasi yung misteryo, yung pagtataka kung ano ba ang nangyayari sa iyo kasi nga easy access ang lahat.”

Masaya rin si Delas Alas sa katotohanang kasama niya ang Asia’s Nightingale at Asia’s Songbird sa show.
“Ang bongga ngayon, mas matagal ang pagsasama namin,” paglalahad ni Ms. Ai. “Dati kasi, sa mga concert lang, matapos ang isa o dalawang kanta, uuwi na ako, sila rin ganun. Ngayon mas matagal ang pagsasama namin sa taping. Pulos kami kain. Hahaha!”

Isang pang pandagdag kiliti ay ang mga outlandish outfit na makikitang irarampa niya.

“Sadya yun,” maagap niyang reaksyon. “Lagi kasi akong nagre-research kung ano ang mga pangabog na pwedeng isuot. Ang ginagawa ko, hindi naman kopyang-kopya. May mga idea akong dinadagdag, pwedeng sa kulay, sa bagsak, sa aksesorya tapos ipapasa ko sa designer ko. Nag-co-collaborate kami. Alam mo naman, yung mga nandidiyan pang mga faney ko, naaliw sila kung ano ba ang oufit ko.”

***

Para kay Regine Velasquez naman, ang ikakatalo mo sa isang contest ay, “Sarili mo rin, siyempre. Kailangan huwag kabahan. You must fight through your nervousness. Lahat ng mga may karanasan sa contest, yung nerves talaga minsan ang nakakatalo sa kanila. You must be confident enough to pull it off.”

“Be original, huwag gayahin ang vocal styling ng iba,” iyan naman ang payo ni Lani Misalucha. “Wala kasing tatalo sa sarili mong boses. Siyempre pag nag-uumpisa ka, yung mga iniidolo mo, parang katunog mo, plakado mo. Pero as the contest progress, hindi na pwedeng ganun. Sa totoo lang, mahirap maging judge kasi nakasalalay sa amin ang kanilang future.”

Super glamorous lola na pala si Ms. Lani. May apat na itong apo, “May separation anxiety nga ako. Ito na yata ang longest time na mahihiwalay ako sa kanila. Iba talaga yung bond at magic na I share with them. No offense meant sa mga anak ko ha, Ang sarap sa pakiramdam, When my elder apos call me lowla, kilig na kilig at masayang-masaya ako. Ang tanong ko agad, ‘yes, apo what do you want? I am a spoiler. Hahaha!”
SOP ang huling show ni Misalucha sa GMA 7.

***

Para sa Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista na ikakasal na sa Nobyembre, ang crucial palagi ay “Song choice. Kasi dapat alam mo by heart ang kinakanta mo para you can give justice to it. Para rin tama ang emosyon mo. Ang pagkanta kasi ay parang story telling. Eve­ry song has a kwento. Dapat yung kwento sa likod ng isang kanta, klaro sa iyo. At mas lalong nagiging klaro yun if you place the right emotion sa mga linyang kinakanta mo.”