Kung dati ay pa­ngarap lang, nga­yon ay malapit na talagang magkaroon ng sari­ling version ng NASA ang Pilipinas.
Ito ay makaraang ipasa ng Kamara kamakailan ang House Bill 8541 (HB 8541) na kilala din bilang “Philippine Space Development Act.”

Sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST), inihain ni Albay Rep. Joey Salceda ang HB 8541 at pina­boran ng 297 mam­babatas na naglala­yong magtalaga ng malinaw na ‘Philippine Space Development and Utilization policy’ at lumikha ng Philippine Space Agency (PhilSA).

Pungunguna­han at isusulong ng PhilSA ang progra­mang ‘space science and technology access and applications and space research’ kasama ang ‘remote sen­sing’ at pagkalap ng mahahalagang datos kaugnay ng mapanirang mga kalamidad, ayon kay Salceda.

Sagot din umano ito sa lumalaking pa­ngangailan ng bansa sa seguridad at integ­ridad ng teritoryo nito, bukod sa daan sa kalawakan.