Sariwang gulay pinamudmod sa Parañaque City

Inihahanda ng mga tauhan ng treasurer’s office ng Paranaque sa pangunguna ni Dr. Anthony Pulmano ang mga sari-saring gulay para libreng ipamahagi sa pamilyang apektado sa patuloy na enhanced community quarantine.

Ang mga gulay ay binili sa mga vegetable cooperatives mula sa probinsya ng Batangas.

Ayon kay Pulmano, naglaan din ang lungsod ng pondo para naman bumili ng 100,000 kilos na asukal para ipamahagi rin sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod sa isang linggo para sa ikaapat na bugso ng family food pack.