Dear Sir:

Believe ako sa tapang ni Pangulong Duterte. Pagkatapos niyang magbahagi ng kanyang SONA sa sambayanan ay dumeretso siya sa kinaroronan ng mga nagra-rally.

Buong katapatan niyang kinausap ang mga ito. Subalit ang mga ito ay hindi man lang nagpa­kita ng ugaling Pilipino na gumalang sa pinakamataas­ na may katungkulan sa bayan. Presidente na ang kanilang kausap subalit ­binastos pa nila ito.

Papaano maibibigay sa kanila ang kanilang kahilingan kung ganito ang kanilang pag-uugali?

Sinong Pangulo ng bansa ang lumabag sa protocol ng security? Tanging si Pangulong Duterte lamang, ‘di ba? Noon, kapag may SONA ‘di ba katakut-takot ang barikada sa kalapit na lugar ng SONA at walang raliyista ang nakakalapit sa lugar ng SONA.

Ito ang hindi nakita ng mga nagra-rally. Ito ang pagkakataon upang makausap nila mismo ang Presidente pero hindi nila sinamantala ang pagkakataon.

Sayang pinakita pa nila sa sambayanan ang kanilang kabastusan.

MELISSA A. BUENAFLOR
Taguig City

***

Dear Sir:

Namumuro na itong si Renato Reyes sa walang humpay niyang kakaputak. Nasa kolehiyo pa lang ako wala na itong ginawa kundi mag-organisa ng rally, ang masaklap kasama niya rin ang mga nauuto niyang estudyante na inaambunan na kakarampot na kusing para lang sumama sa mga walang kakwenta-kwentang­ rally.

Ilang rally na ba ang na organisa nitong mamang ito?

Kahit sino ang maupo­ sa gobyerno maraming reklamo itong si Renato. Dapat dinadala ito sa Marawi para dun mag-­rally laban sa Maute group at mga ISIS. Talaga namang dugong makakaliwa ang nananalaytay sa taong ito.

Babala sa ating mga kababayan huwag kayong magpapalinlang sa taong ito. Binubuhay niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pang-uuto at panggugulo sa ating bayan.

OWEN DAEZ
Nueva Ecija

One Response

  1. ginagawa kasi nilang negosyo ang pag rarally lalo na ito si renato reyes buhat pa noon iyan na talaga nag kanyang trabaho dyn sila nabubuhay kaya wla silang galang kahit presidente pa ang kaharap nila.