Wasak na wasak ang Philippine National Police (PNP) dahil kay Supt. Maria Cristina Nobleza na nadiskubreng asawa ng isa sa miyembro ng Abu Sayyaf na nahuli nang tangkang i-rescue ang ilang galamay ng bandidong grupo na nasugatan sa engkuwentro sa Bohol.
Si Nobleza ay naaresto kasama ang asawa na pala nitong si Reenor Lou Dongon dahil ang dalawa ay ikinasal sa isang Muslim rites.
Dahil sa pangyayaring ito ay inuulan ng batikos ang PNP.
Nariyang akusahan ang PNP na mahina ang intelligence kaya hindi agad natunugan na may isa itong opisyal na may koneksyon sa isa sa numero unong kalaban ng gobyerno ang ASG.
Pero in fairness sa PNP sa ilalim ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa nabuking ang koneksyon ni Nobleza sa Sayyaf dahil 2013 pa nang magkakilala ang dalawa nang imbestigahan ni lady police officer si Dongon sa isang insidente ng pambobomba.
Si Dongon kasi ang itinuturo dating responsable sa pagpapasabog noong 2013 sa Cagayan de Oro City at mula doon ay nagsimula na ang magandang relasyon ng dalawa.
Ibig sabihin ilang taon ding naitago ng dalawa ang kanilang relasyon at ibig ding sabihin nito ay matagal-tagal ding nagkaroon ng impormasyon ang Sayyaf sa bawat plano ng pamahalaan laban sa kanilang grupo kaya patuloy na namayagpag.
Kaya dapat ay pigaing mabuti ng PNP itong si Nobleza dahil tiyak na napakarami nitong alam sa mga operasyon ng ASG sa bansa.
Hindi dapat makalimutan ng PNP at ni Nobleza mismo na napakaraming kababayan natin at mga turista ang walang awang pinatay ng Sayyaf kaya wala akong nakikitang kapatawaran sa kanyang ginawang pagtataksil sa kanyang tungkulin.
Kung dapat papanagutin ang isang katulad ni Nobleza na nagtaksil sa bayan, para sa akin ay dapat ding kwestyunin ang intelligence group ng PNP na binuhusan ng milyun-milyong pondo pero nalusutan ng isang babaeng opisyal.
Anong klaseng intel operation ang kanilang ginawa at sa loob ng halos apat na taon ay hindi nila natunugan na mayroong espiya ang bandidong grupo sa kanilang hanay?
Kaya tama lamang na gawing tuluy-tuloy ng PNP ang cleansing sa kanilang hanay upang sa gayon mawalis na ang mga miyembrong tiwali na nagtatago sa kanilang uniporme.
Hindi naman sayang ang intel budget…yan ang mina ng pera sa mga nakapwesto kasi UNAUDITED yan.
Normal lng po yon kasi baka ang.budget ng Intel binabayad s tokhang hahahha…
Member na naman ng dilaw yan hahaha. Isisi ulit sa dilaw OMG. Better to evaluate all police officers regardless of position. Drugs & Terrorism parang pinapasok na ang kapulisan. kailangan ng linisin.
Hindi na malinis yan kasi ang gawain nila mas marumi pinapatay ang naka tsinelas. Isispin mo sa 7k wlang kaso na naihain. Wow pinas hahaha