Nanghihinayang ang dalawang senador sa sinayang na pagkakataon­ ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisulong sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders Summit ang naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa China sa Arbitral Tribunal hinggil sa pinag-aawayang teritoryo sa South China Sea.

Malamang umano na dumating ang panahon na pagsisihan ni Pangulong Duterte ang hindi pag-ungkat sa naturang usapin sa summit, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“We should not miss the ASEAN summit to avail ourselves with that opportunity, lest we would regret it,” himutok ni Lacson.

Bukod sa pananaw ng Pangulo na walang saysay ang pag-ungkat ng desisyon ng tribunal dahil hindi naman ito kinikilala ng China, ayaw din nitong idamay ang ASEAN sa isyu dahil nasa pagitan lang umano ng Pilipinas at China ang naipanalong kaso ng ­bansa.

“President Duterte is wrong about the power and influence of international pressure on China. Studies show that arbitral rulings are normally defied if not ignored by ­losing claimants of contested territories, albeit temporarily. In the course of time, these countries almost always eventually give up and comply with the ruling due to international pressure,” paliwanag pa ni Lacson na vice chairman din ng Senate committee on national defense and security.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, bihira lang ang pagkakataon na maging host ang Pilipinas ng ASEAN kung kaya’t dapat samantalahin na ito ng administrasyon upang isulong ang pagmamay-ari sa WPS.

“We must take this opportunity to reassert our sovereignty over the disputed island,” diin ni Drilon.

Ang chairmanship ng ASEAN ay umiikot sa sampung regular na miyembro ng organi­sasyon kung saan nagkakaroon din ng pagkaka­taon ang China at Estados Unidos na makipag-usap sa ASEAN leaders bawat taon.

5 Responses

    1. Makapagsalita ka akala mo matapang ka e keyboard warrior ka lang din, reyalidad lang ang sa Presidente, kung di pinabayaan ni PNoy na makakuha ng mga lupa na ipinagawa sa mga isla sa Zambales di wala sana silang apat na man made islands doon. Ano ginawa nya nagbulag bulagan huli na yang arbitral desisyun na yan, kung sa China pa yan kukuha ng panambak nila hanggang ngayon di pa tapos yung mga isla tapos isisi nyo sa sitting President.

      1. isinulat na nga dito sa abante kung sino ang itinuturong may kasalan ipinasisiksikan mo pa sa utak mo na si PNOY ang may kasalanan.. sa Hindi naman nya ginawa..at ang ginawa lang niya dinala sa
        ICC Yung usapin na naipanalo naman.. Mas dapat pa nga sisihin si DUTERTE ngayon eh.. dahil Hindi nya ipaglaban Yung kung ano ang naging disisyon sa HAGUE..

      2. Ungas kung walang islang naitayo sa WPS di wala tayong pinoprotesta naintindihan mo? mabuti pa yung binarang nakakarating yung sakit ikaw yung utak mo di maka intindi.