Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr. na wala sa kanilang hanay ang kawangis ni Police Superintendent Maria Christina Brugada Nobleza na iniuugnay sa bandidong grupo na Abu Sayyaf.
“‘Yung issue po, ang tawag po natin dito ay counterintelligence. Ang pagtingin po sa loob ng ating organisasyon kung merong mga maaaring tinatawag natin na ‘sleeping with the enemy’, ayon sa pagkabanggit ng ating Chief PNP ‘no.
So, ito po’y patuloy at hindi humihinto. At base naman sa ating mga naging effort nitong mga nakaraan, wala naman po tayong nakikita na ganito kaseryosong partisipasyon ng ating mga tauhan base po sa ating mga efforts na ‘yan,” paghahayag ni Padilla sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Ipinaliwanag ni Padilla na ang counterintelligence ay nakatuon sa organisasyon kung may mga espiya sa loob at kung may mga tumutulong sa kalaban.
“Ito’y patuloy. This is a continuing effort. This never stops. So the effort of counterintelligence and checking our ranks for any possible informants or those who can be working with the enemy never ceases, never stops.
So it’s done in a 24/7 basis, it is continuing and it is focused on specific areas that could be possibly threatening to our security,” dagdag ni Padilla.