Sayyaf pupugot na naman ng bihag

ZAMBOANGA CITY — Isang video ang inilabas ng mga umano’y nagpakilalang Abu Sayyaf at nagbantang pupugutan ng ulo ang isang bihag sa bayan ng Jolo sa Sulu province.

Sa video ay nagpakilala ang biktima na si Patrick James Almosovar at sinabi nitong dinukot siya noong Hulyo 24 pa at pupugutan umano ito sa Agosto 24 kung hindi magbibigay ng P1 mil­yong ransom si Gov. Totoh Tan o ang mayor ng Jolo na si Kerkar Tan.

Gamit ang diyalektong Tausu, nakiusap si Almosovar sa dalawang opisyal na tulungan siya habang nakatayo sa kanyang likuran ang 5 armado na pawang nakatago ang mga mukha.

Nagbasa pa ng Holy Koran ang mga armado habang tinatatakot naman ang kanilang bihag.

Hindi pa mabatid kung paanong dinukot si Almosovar dahil wala naman ulat sa pulisya o mi­litar na may tinira ang Abu Sayyaf sa Jolo noong Hulyo.