Wala pang talo ang San Beda College-Rizal sa Small Basketeers Philippines at Passerelle events para pangunahan ang Best Center twin basketball tournaments na hatid ng Milo.

Sa Xavier School gym nitong weekend, dinemolis ng Cubs ang host Xavier-B (2-1) 53-37 para akbayan ang La Salle Greenhills-A sa tuktok ng Group A ng SBP sa parehong 3-0.

Kinubabawan ng De La Salle-Zobel (1-2) ang Notre Dame of Greater Manila (0-4), 53-40.

Bumawi ang Xavier-A (3-0) nang ilampaso ang St. Mary’s College (0-4) 65-17 para manguna sa Group B.

Sa Group A ng Pase­srelle, inakbayan ng DLSZ-A sa 4-0 ang Ateneo matapos bambuhin ang Marist (1-3) 71-51 at ginapi ng UST (1-2) ang Claret (1-2) 51-40.

Nilista ng San Beda ang 3-0 card sa Group B ng Paserelle nang paluhurin ang Nazareth School of NU (2-1) 51-42.