Hangga’t wala umanong ipiniprisintang appointment letter si Subic Bay Metropolitan Authority ­(SBMA) incoming chairman at administrator Martin Diño ay hindi bababa sa kanyang puwesto si outgoing­ SBMA chairman Roberto Garcia.

Una nang nagpahayag si Garcia na personal ­nitong nakausap si Diño kasama ang ilang tauhan ­bilang transition team noong nakaraang linggo subali­t wal­a umano itong dalang appointment letter galing kay ­Pangulong Rodrigo Duterte nang magsadya sa ­kanyang tanggapan.

Sa panayam ng Abante kay Garcia, posibleng umano ngayong linggo ay magkaroon na ng turn-over ceremony sa pagitan nila ni Diño na bagay na kanyang hinihintay upang tuluyan na umanong magretiro sa serbisyo.